Paano Bumoto Sa Koreo

Paano Bumoto Sa Koreo

Ang bawat aktibong rehistradong botante ay awtomatikong makakatanggap ng isang balota sa koreo nang halos isang buwan bago ang Araw ng Eleksyon. Maaari kayong gumawa ng mga desisyon sa pagboto at kumpletuhin ang inyong balotang pangkoreo sa ginhawa ng inyong tahanan.

Vote by Mail Steps

Mga Instruksyon sa Botante

HAKBANG-1 BUMOTO

  • Sundin ang mga instruksyon sa itaas ng inyong opisyal na balota. Kung ang inyong balota ay nasira o kayo ay nagkamali, tawagan ang (858) 565-5800 para magpatulong. Huwag lagyan ng inisyal o pirma ang inyong balota para gumawa ng pagwawasto.

 

HAKBANG-2 MAGHANDA

  • Ipasok at i-seal ang inyong balota sa loob ng inyong sobreng pagbabalikan.

 

HAKBANG-3 PIRMAHAN, PETSAHAN, AT IPAKOREO

  • Petsahan at pirmahan ang inyong sariling pangalan sa inyong sobreng pagbabalikan. HUWAG I-PRINT.
  • Ang inyong pirma ay kinakailangan para mabilang namin ang inyong balota. Pirmahan ang inyong pangalan katulad ng pagpaparehistro ninyo para makaboto. O, kung kayo ay nagparehistro sa DMV para makaboto, pirmahan ang inyong pangalan katulad ng nakikita sa inyong driver’s license o identification card.
  • Kaagad na ipakoreo pabalik ang inyong balota upang masiguro ang pagpapadala sa tamang oras.
  • Ang inyong sobreng pagbabalikan ay dapat nai-postmark na sa o bago ang Araw ng Eleksyon at natanggap ng opisina ng Tagapagrehistro sa loob ng pitong araw kasunod ang Araw ng Eleksyon.
Where's My Ballot?

 

Ibalik ang Inyong Balotang Pangkoreo sa isang Pinagkakatiwalaang Source

Matapos makumpleto ang inyong balotang pangkoreo, maaari ninyong ibalik ito:

  • Sa pamamagitan ng koreo
  • Sa isang secure na Lokasyon ng Ballot Drop Off
  • Sa isang Vote Center malapit sa inyo

Aplikasyon para sa Pamalit na Balotang Pagboto-sa-pamamagitan-ng-Koreo

Kung hindi ninyo natanggap ang inyong balota ng pagboto-sa-pamamagitan-ng-koreo o kung nawala o nasira ninyo ang inyong orihinal, maaari kayong humiling ng isang pamalit na balota gamit ang alinman sa mga sumusunod na paraan:

Aplikasyon upang Magbigay ng Balotang Pagboto-sa-pamamagitan-ng-Koreo sa Representante

Kung kayo ay hindi makakuha ng pamalit na balotang pagboto-sa-pamamagitan-ng-koreo nang mag-isa, maaari kayong magtalaga ng isang representante upang makuha ang balotang iyon.

I-print at kumpletuhin ang Aplikasyon upang Magbigay ng Pamalit na Balotang Pagboto-sa-pamamagitan-ng-Koreo sa Representante.

Ang aplikasyon na ito ay kinakailangan na pinirmahan ng botante at isinumite nang personal sa Tagapagrehistro ng mga Botante ng inyong representante (EC 3014(b)).

I-track ang Inyong Balota

Maaari ninyong kumpirmahin na ang inyong balotang pangkoreo ay natanggap ng Tagapagrehistro ng mga Botante sa pamamagitan ng pag-fill out sa pormang ito »

Where's My Ballot?

Nasaan ang aking Balota?

Nasaan ang aking Balota? Ipinapaalam sa inyo kapag ang inyong balota ay naipakoreo sa inyo at kapag ito ay natanggap pabalik sa Tagapagrehistro ng mga Botante. Mag-sign up dito.

 

    Remote Accessible Vote by Mail (RAVBM)

  • Ang sinumang botante ay pwedeng humiling at makatanggap ng access sa Remote Accessible Vote by Mail na Sistema
  • Ang sistemang ito ay karaniwang ginagamit ng mga botanteng mayroong kapansanan o mga botanteng na-deploy sa ibang bansa na naglilingkod sa militar
  • Ang sistemang ito ay nagpapahintulot sa botante na i-download ang balota sa personal na kompyuter at markahan ito nang pribado at nang malaya gamit ang kanilang sariling assistive technology
  • Pagkatapos markahan ang kanilang balota, ang botante ay mayroong opsyon na i-review ang kanilang mga pagpipilian
  • Pagkatapos i-review, ang botante ay ipi-print at ibabalik ang kanilang balota gamit ang napi-print na template ng sobre na kasama sa kanilang instruksyon sa RAVBM
  • Tulad ng anumang balotang pangkoreo, ang mga balotang RAVBM ay dapat naka-seal sa loob ng sobre, napirmahan at ibinalik sa pamamagitan ng koreo o sa kahit saang Vote Center o Ballot Drop Box
  • Remote Accessible Vote by Mail - Disability Rights California PSA

Interesado sa paggamit ng Remote Accessible Vote-by-Mail na Sistema?  Mag-sign up dito

Mga Katanungan? Tumawag sa (858) 565-5800, toll free sa (800) 696-0136 mag-email sa Vote-by-Mail

spacer

Pagboto ng Nasa Ibang Bansa at Militar

Bilang isang rehistradong botante sa militar o sa ibang bansa mayroong iba’t ibang paraan para matanggap at maibalik ninyo ang inyong binotohang balota. Matuto nang higit pa »

 

flag_header