Impormasyon ng Botante para sa Mga College Student
Maaari kayong bumoto sa susunod na primaryang o pangkalahatang eleksyon ng California kung kayo ay:
- Isang mamamayan ng Estados Unidos
- Isang residente ng California
- Hindi bababa sa edad na 18 taon sa o bago ang susunod na eleksyon
- Wala sa bilangguan ng estado o pederal para sa isang peloni kumbiksyon
- Hindi idineklarang walang kakayahan ang pag-iisip sa pamamagitan ng aksyon ng korte
Kung taga-dito kayo, boboto kayo sa eleksyon ng County ng San Diego. Kung hindi kayo taga-County ng San Diego, kailangan ninyong magpasya kung boboto kayo sa County ng San Diego, sa county ng inyong tahanan sa California o sa mga eleksyon ng estado ng inyong tahanan.
Piliin Kung Saan Boboto
Upang makaboto sa County ng San Diego, magparehistro dito. Kakailanganin ninyo ang numero ng inyong California driver's license o California Identification Card mula sa Department of Motor Vehicles ng estado. Kung wala kayong isa sa mga ito, gamitin ang huling apat na numero ng inyong Social Security number. Kakailanganin din ninyo ng isang lokal na adres. Kung nakatira kayo off-campus, gamitin ang adres na iyon.
-
Kung nakatira kayo sa dorm:
- Sa San Diego State University: Gamitin ang adres ng residence hall.
- Sa University of California San Diego: Gamitin ang 9450 Gilman Drive na adres at numero ng inyong UCSD box bilang inyong numero ng yunit.
- Sa California State University San Marcos: Gamitin ang adres ng residence hall at inyong numero ng apartment.
- Sa University of San Diego: Gamitin ang 5998 Alcala Park na adres at numero ng inyong USD yunit.
- Sa Point Loma Nazarene University: Gamitin ang main na adres ng campus
Upang makaboto sa county ng inyong tahanan sa California, bisitahin ang webpage ng Secretary ng Estado.
Upang makaboto sa estado ng inyong tahanan, ang website ng U.S. Election Assistance Commission ay maaari kayong idirekta sa site ng rehistrasyon ng botante ng bawat estado. Kung mayroon kayong scholarship o tuition na nagre-require ng residency sa California, i-tsek muna sa inyong opisina ng financial aid upang malaman kung ang labas sa estado na rehistrasyon ay maaapektuhan ang inyong status.
Nakarehistro ba kayo sa ibang county o estado, ngunit nais ninyong bumoto sa mga eleksyon ng County ng San Diego?
Maaari kayong muling magparehistro dito, ngunit tandaan na illegal ang pagboto ng higit sa isang beses sa isang eleksyon.
Kayo ba ay lokal na nakarehistro para makaboto?
Dagdagan ang kaalaman tungkol sa nalalapit na eleksyon »
Mga katanungan? Tumawag sa Opisina ng Tagapagrehistro ng County ng San Diego sa 858-565-5800.