Seguridad sa Eleksyon

Ang pangangalaga sa integridad ng bawat eleksyon ay ang pinakamahalagang misyon ng Tagapagrehistro ng mga Botante ng County ng San Diego.

Bilang opisyal na source ng pinagkakatiwalaang impormasyon sa eleksyon sa County ng San Diego, ang Tagpagrehistro ng mga Botante ay nais na ibigay sa inyo ang lahat ng mga hakbang na aming ginagawa upang matiyak ang proteksyon ng bawat balotang nabotohan, kabilang ang pagpapatupad ng mga kinakailangang pangangalaga, seguridad, chain of-custody, at mga pamamaraan sa pagtiyak ng kalidad.

Siklo ng Buhay ng Inyong Balota

 

1. Ang inyong balota ay naka-print.

Ang mga balota ay naka-print at ipinapasok sa loob ng mga pakete ng balota ng aming sertipikadong print vendor na nakamit ang mga kinakailangang sertipikasyon ng Sekretaryo ng Estado ng California para gumawa ng mga balota para sa mga eleksyon na isinasagawa sa Estado ng California. Ang mga balota ay pini-print gamit ang mahigpit na mga requirement, tulad ng tamang timbang ng papel at rehistrasyon ng imahe ng balota sa papel. Ang imahe ay naglalaman ng espesipikong tint ng eleksyon at watermark na itinalaga ng opisina ng Kalihim ng Estado para sa kasalukuyang eleksyon.

Ang mga naka-print na balota ay ipinapasok sa loob ng pakete ng balotang pangkoreo at ang pangalan ng botante at unique na barcode ay nakaimprenta sa labas ng ipapadala at ng sobreng pagbabalikan – hindi ang balota. Ang kumplikadong proseso na ito ay nangangailangan ng mga database na binuo ng computer at insertion machinery dahil ang bawat aktibong botante ay dapat padalahan ng balota na tumutugma sa kanilang tamang presinto at uri ng balota.

 

2. Ang inyong balota ay ipinakoreo.

Sa County ng San Diego, ang mga balota ay awtomatikong ipinapakoreo sa lahat ng aktibong rehistradong botante sa pamamagitan ng U.S. Postal Service halos isang buwan bago ang Araw ng Eleksyon. Ang mga adres ng mga rehistradong botante ay regular na ina-update gamit ang impormasyon mula sa database ng National Change of Address, ang Department of Motor Vehicles, at ang mga botante mismo, upang masiguro na ang mga balota ay naipapadala sa kasalukuyang adres. Bilang karagdagan, ang mga koreong pang-eleksyon ay hindi kailanman ipinapasa.

Kung kayo ay nakatanggap ng koreo pang-eleksyon para sa dati o hindi-residente ng inyong sambahayan, mangyaring isulat sa item ang “return to sender – does not live at this address” at ibalik ito sa U.S. Postal Service. *

Anumang pakete ng balota na ipinakoreo sa mga botanteng hindi na nakatira sa isang adres ay isinasauli sa opisina ng Tagapagrehistro at ang impormasyon ng botanteng ito ay fina-flag bilang “inactive.” Ang koreo para sa eleksyon ay hindi na ipapadala sa botanteng iyon hangga’t hindi nila kinukumpirma ang kanilang bagong adres.

*Importante para sa mga botante na i-update ang kanilang rehistrasyon ng botante tuwing sila ay lilipat o magpapalit ng pangalan. Maaari ninyong gawin ito sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang bagong rehistrasyon ng botante sa online sa sdvote.com. Siguraduhin na ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay mayroong inyong tamang impormasyon upang matanggap ninyo ang inyong materyales sa eleksyon sa tamang oras. I-check ang inyong katayuan ng rehistrastyon ng botanterito. Beripikahin ang inyong adres ng tirahan at ang inyong mailing adres, kung magkaiba.

 

3​. Bumoto at ibalik ang inyong balota sa isang pinagkakatiwalaang source.

Ang mga nabotohang balota na selyado sa loob ng ibinigay na sobreng pagbabalikan ay postage-paid at maaaring ibalik sa pamamagitan ng U.S. Postal Service, sa mga opisyal na ballot drop box ng Tagapagrehistro, sa opisina ng Tagapagrehistro, o sa alinmang Vote Center. Ang mga sobre ng balotang pangkoreo na ibinalik sa pamamagitan ng U.S. Postal Service ay ini-iscan sa post office at kinukuha ng opisina ng Tagapagrehistro halos araw-araw. Kapag mas malapit na sa Araw ng Eleksyon, kinukuha ng opisina ng Tagapagrehistro ang mga balota mula sa opisinang pangkoreo dalawang beses araw-araw.

 

4. Natatanggap namin ang inyong balota.

Ang mga ibinalik na sobre ng balota ay idinadaan sa isang industrial mail sorter na pinepetsahan at tinatatakan ng oras ang sobreng pagbabalikan ng balota, ikinukumpara ang barcode sa sobre sa datos mula sa database ng rehistrasyon ng botante, at kumukuha ng larawan ng pirma ng botante sa sobre. Ihihiwalay din ng mail sorter ang mga sobreng ibinalik na masyadong mabigat. Ito ay susuriin nang mano-mano at kung mas madami pa sa isang balota ang matatagpuan sa loob ng sobre, wala sa mga balotang ito ang bibilangin maliban na lamang kung dalawang pirma ang matatagpuan sa labas ng sobre, kung saan ang dalawang pirma ay kailangang beripikado bilang balido. Isang balota lamang ang maaaring bilangin kada aktibong rekord ng botante. Maaaring may isa o dalawang kard ng balota depende sa eleksyon.

 

5. Bineberipika namin ang inyong pirma.

Ang pangunahing pamamaraan na ginagamit upang tuklasin at pigilan ang panloloko ay ang mismong sobreng pagbabalikan ng balota. Ikinukumpara ng mga tauhan ng Tagapagrehistro ang pirma mula sa sobreng pagbabalikan ng balota at sa pirma sa file para sa botante mula sa kanilang rekord ng rehistrasyon ng botante. Kung ang pirma ay tutugma, ang sobreng pagbabalikan ng balota ay tatanggapin. Ang mga tinanggap na balota ay sunod na aalisin sa kanilang mga sobre at bibilangin sa proseso ng pagtatabula. Habang nagkukumpirma ng pirma, ang sobreng pagbabalikan ng balota ay sinusuri sa pambuong estado na database ng botante upang siguraduhin na ang botante ay hindi pa bumoto kahit saan man sa California.

Kung ang pirma ay hindi tutugma, ang sobre ay hindi bubuksan, at ang opisina ng Tagapagrehistro ay magpapadala sa botante ng isang liham at porma upang pirmahan at patunayan nila na sila ang taong bumoto sa kanilang balota. Kung ang napirmahang porma ay natanggap ng opisina ng Tagapagrehistro, ito ay dadaan sa proseso ng pagkumpirma ng pirma at kung ito ay tutugma sa pirma ng botante na nasa file, ang kanilang sobreng pagbabalikan ng balota ay tatanggapin at ito ay sunod na aalisin, ibubukod at itatabula.

 

6. Ibinubukod namin ang inyong balotang pangkoreo ayon sa hurisdiksyon.

Sa oras na makumpirma ang inyong pirma, ang mga sobreng pagbabalikan ng balota ay dadaan sa sorting machine sa pangalawang beses. Ang mga sobreng pagbabalikan ng balota ay ibinubukod sa mga batch na naglalaman ng 100 hanggang sa 200 mga sobre, depende kung ang mga balota para eleksyon na iyon ay pang-isahan o dalawahan na kard na balota, at sunod ay ibubukod ayon sa hurisdiksyon upang buksan.

 

7. Binubuksan naming ang inyong pagbabalikan na sobre ng balota.

Ang mga balota ay inaalis mula sa mga sobre nang mano-mano o sa pamamagitan ng high-speed envelope opener/extractor. Ang inyong balota ay nananatiling sikreto sa buong prosesong ito. Ang bahagi ng sobre na may impormasyon ng botante ay hindi kailanman tinitignan sa panahon ng pagaalis at nananatiling hindi kilala. Ang mga walang laman na sobreng pagbabalikan ng balota ay ipinapadala sa isang ligtas na kwarto upang i-file at ibukod. Ang mga balota ay inilalagay sa isang ligtas na karton at ililipat sa Ballot Tabulation Room upang maitabula.

Isa sa mga palatandaan ng Voter Bill of Rights (Election Code, Section 2300) ay ang bawat botante ay karapat-dapat na botohan ang kanilang balota nang sikreto at malaya mula sa pananakot. Ang opisyal na balota ay walang impormasyon ng botante o anumang impormasyon na maaaring tumukoy ng isang partikular na botante. Hindi alam ng Tagapagrehistro ng mga Botante kung papaano bumoto ang isang partikular na botante at hindi kailanman magkakaroon ng rekord kung paano bumoto ang isang tao.

 

8. Itinatabula namin ang inyong balota.

Ang mga tauhan ng Tagapagrehistro ng mga Botante ay nagpapatakbo ng mga batch ng balota sa pamamagitan ng mga scanner na nagbabasa ng mga marka sa balota na nagpapakita ng mga pinili ng botante para sa mga kontest, proposisyon at/o mga panukala, at pagkatapos ang mga resulta ay ipapasa sa isang computer na nagtatabula.

Anumang nasirang balota na hindi mabasa ng scanner ay ipinapadala sa mga tauhan ng duplikasyon ng Tagapagrehistro. Ang balota ay susuriin upang matukoy ang intensyon ng botante, pagkatapos ay duduplikahin sa pamamagitan ng pagmarka ng isang blangkong balota. Ang bawat nasirang balota ay dinuduplika ng isang tambalan ng dalawang tauhan ng Tagapagrehistro ng mga Botante. Ang dokumentasyon ay itinatago na may impormasyon tungkol sa bawat dinuplikang balota at ang orihinal at dinuplikang balota ay parehong nunumeruhan upang ang mga ito ay ma-identipika kung kinakailangan. Pagkatapos ang dinuplikang balota ay ibinabalik sa Ballot Tabulation Room upang maitabula.

Kung ang isang botante ay bumoto para sa napakarami o napakakaunting mga kandidato sa isang kontest, kung ang intensyon ay hindi klaro, o kung ang botante ay nagbigay ng isinusulat-lamang na kandidato, isang larawan ng balota ang ipapadala sa pamamaraang elektroniko sa mga tauhan ng Tagapagrehistro ng mga Botante na susuriin at reresolbahin ang balota para ito ay mabilang ayon sa intensyon ng botante. Tutukuyin ng mga tauhan ng Tagapagrehistro ang mga seleksyon na hinangad ng botante na markahan sa pamamagitan ng paggamit ng Secretary of State’s Uniform Vote Counting Standards.

Ang Ballot Tabulation Room ay lubos na ligtas na may napakalimitadong access.

 

9. Inire-report namin ang mga resulta ng eleksyon.

Ang pagtatabula ng balota ay ginagawa sa isang computer na nasa Ballot Tabulation Room. Ang mga resulta mula sa bawat scanner ay ipinapadala sa ballot tabulation server sa pamamagitan ng isang isolated na ligtas na network na walang koneksyon sa kahit anumang ibang network o sa Internet. Ang mga resulta ay ipini-print at dina-download sa isang external na USB drive upang ito ay mai-upload sa website ng Tagapagrehistro ng mga Botante para sa pagkonsumo ng publiko/media at ire-report sa Sekretaryo ng Estado. Bilang isang pangangalaga, ang external na USB drive ay tinanggalan ng laman at nililinis at pino-format pagkatapos ng bawat pag-upload ng mga resulta.

Sa oras na mabilang, ang mga balota ay ligtas na inilalagay sa imbakan. Ayon sa batas, maaari lamang i-access ang mga ito muli para sa muling pagbilang o sa utos ng korte.

 

Seguridad ng Balota

  • Kinakailangan ang dalawang tao para samahan ang mga nabotahang balota habang nililipat mula sa mga Vote Center o mga ballot drop box papunta sa opisina ng Tagapagrehistro.
  • Lahat ng mga nabotohang balota ay ibinabalik mula sa mga Vote Center bawat gabi pagkatapos ng pagsasara.
  • Lahat ng mga nabotohang balota ay tinatago sa mga ligtas at nakakandado na mga lugar na saklaw ng mga security camera.
  • Pag-canvass: Pagkatapos ng gabi ng eleksyon, ang mga tauhan ng Tagapagrehistro ng mga Botante ay maingat na dinadaanan lahat ng mga materyales at mga nabotohang balota mula sa bawat Vote Center upang itugma ang bilang ng mga nabotohang balota.

 

Seguridad ng Kagamitan sa Eleksyon

LOGIC & ACCURACY TEST

  • Ang minandato ng estado na Logic & Accuracy Testing ay isinasagawa bago ang bawat eleksyon upang siguraduhin ang katumpakan ng sistema ng pagboto. Ang Logic & Accuracy Test (L&A) ang proseso kung saan ang opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante ay nagagawang patunayan na ang lahat ng mga kontest sa balota ay naiprograma nang tumpak at ang sistema ng pagtatabula ay tumpak na nagbabasa ng mga boto mula sa balota. Isang lohikal na disenyo ang ginagawa at ang mga nabotohang balota ay binubuo at idinadaan sa mga scanner ng pagtatabula.
    • Ang mga resultang nagawa mula sa sistema ng pagtatabula ay kinakailangang tumugma sa mga inaasahang resulta mula sa mga nabotohang test ballot. Upang makumpirma na ang sistema ng pagtatabula ay tumpak na nagtatala ng mga boto, may mga tiyak na mga presinto na naglalaman ng lahat ng mga kontest/kandidato sa lahat ng mga wika at pagpapaikot ng mga kontest ang pinipili upang maging mga test ballot.

 

PUBLIC LOGIC & ACCURACY TEST

  • Ang Public Logic & Accuracy test ay ginagawa ng humigit-kumulang sa dalawang linggo bago ang bawat eleksyon at bago ang kahit anong live na opisyal na mga balota na ini-iscan sa sistema ng pagboto. Ang publiko ay pinahihintulutan na manwal na markahan ang test ballot para sa unang yugto ng pagsusulit. Para sa pangalawang yugto, ang publiko ay gagamit ng ballot marking device (BMD) upang markahan ang kanilang mga seleksyon, pagkatapos ay ipi-print ang kanilang balota. Sa parehong yugto ang mga balota ay ini-iscan sa sistema ng pagboto upang bumuo ng mga resulta ng pagtatabula. Manwal na itinatala ng publiko lahat ng mga kabuuan ng balota kada kontest at pagkatapos ay kinukumpirma kung ito ay tumutugma sa resulta ng sistema ng pagboto.
  • Bago ang bawat eleksyon iniimbitahan namin ang publiko na obserbahan at mag-participate sa pinaikling pagsusulit na ito ng pagtatabula na nagrerepresenta ng mga kontest at kandidato sa balota para sa isang eleksyon. Ang mga test ballot ay kapareho ng mga opisyal na balota at sinisiguro at sinisira kasunod ng iskedyul ng pagpapanatili na iniatas ng CA Elections Code.
    • Ang County ng San Diego ay gumagamit ng isang optical scan system upang magtala ng mga boto para sa isang eleksyon sa pamamagitan ng pagbabasa ng alinman sa dalawang uri ng mga balota. Ang karamihan sa mga balota ay iyong mga binobotahan sa pamamagitan ng pagpuno ng isang oval sa isang papel na balota. Ang isa pang paraan ng paboto ay ang paggamit ng Ballot Marking Device (BMD) na pinahihintulutan ang botante na markahan ang kanilang mga pinili sa isang touchscreen na device, at pagkatapos ay ipi-print ang kanilang opisyal na balota na pinapakita ang kanilang mga seleksyon. Ang mga device na ito ay ganap na sumusunod sa Americans with Disabilities Act at inilalaan sa opisina ng Tagapagrehistro at sa bawat vote center. Bilang karagdagan, ang BMD ay naglalaman ng lahat ng uri ng mga balota, mga wika na pederal na inire-require, at mga pampartidong pampulitika na mga balota (kung kinakailangan).
    • Ang mga blangkong test ballot ay naimprenta na sa isa sa limang mga pederal na inire-require na mga wika. Ang mga dadalo ay tatanungin na kumuha ng balotang pangkoreo na kanilang pinili at bumoto sa pamamagitan ng pagpuno ng oval para sa kanilang seleksyon. Pagkatapos, ang bawat dadalo ay boboto rin gamit ang BMD, at muli ay bobotohin ang parehong boto sa isang balota ng vote center. Para sa mga layunin ng pampublikong L&A test, ang mga balotang ito ang bubuo ng test ballots. Sa oras na ang mga dumalo ay nakumpleto nang markahan lahat ng kanilang mga balota, ang mga dumalo ay manwal na itatala ang mga balota ng pagsusulit na pangkoreo upang gumawa ng inaasahang mga resulta.
    • Lahat ng pagtatabula ng balota para sa eleksyon na ito ay ginaganap sa Tagapagrehistro ng mga Botante sa dalawang paraan:
      • Ang mga balotang pangkoreo ay tinatabula gamit ang isang central count feature na pinahihintulutan ang mga balota na patakbuhin sa mga batch sa pamamagitan ng mga optical na scanner na diretsong nakakonekta sa mga server ng pagtatabula. Sa isang parte ng pagsusulit, ang mga test ballots ay pupunuin ng mga dadalo at i-iscan at tatabulahin gamit ang isa sa mga central count na mga scanner. Isang report ng mga resulta ang bubuoin, at ang mga dumalo ay kukumparahin ang mga resulta sa mga inaasahang resulta upang beripikahin na ang proseso ng pag-scan ay nagresulta sa isang tumpak na pagtatabula.
      • Ang mga balotang minarkahan gamit ang BMD, inimprenta at binotohan sa isang vote center o sa opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante, ay pagkatapos i-iscan sa mga optical na scanner sa opisina ng Tagapagrehistro. Para sa parteng ito ng pagsusulit, ang mga BMD na test ballots ay i-iscan at tatabulahin gamit ang isa sa mga central count na mga scanner. Pagkatapos na magawa ang mga resulta, ang mga dumalo ay kukumparahin ang mga resulta sa mga inaasahang resultaupang beripikahin na ang proseso ng pag-scan ay nagresulta sa isang tumpak sa pagtatabula.

 

1% Manwal na Kamayang Pagbibilang

  • Kasunod ng bawat eleksyon, isang pampubliko at naoobserbahan na manwal na pagtatala ng isang porsyento ng pangkoreo at mga batch ng presintong balota na tatabulahin ng sistema ng paboto ang magaganap. Ang manwal na pagtatala ay ginagawa upang beripikahin ang katumpakan ng awtomatikong pagbibilang sa bawat kontest na ini-scan ng mga scanner ng balota.
  • Isang limang-araw na paunawa sa publiko ay nakapaskil sa sdvote.com na nakasaad ang oras, petsa, at lokasyon ng manwal na pagtatala at random na pagpili ng mga batch na manwal na itatala.
  • Upang random na pumili ng mga batch na itatala, ang mga tauhan ng Tagapagrehistro ng mga Botante ay gagamit ng aprubadong paraan na ginamit ng Sekretaryo ng Estado upang random na pumili ng isang porsyento ng mga batch na napapailalim sa manwal na pagtatala.
  • Bago ang manwal na pagtatala, aabot sa dalawampung 3-miyembro ng board ang sinanay sa mga requirement kung paano gawin ang manwal na pagtatala.
  • Ang manwal na pagtatala ay gaganapin sa petsa, oras, at lokasyon na ipinaskil. Ang mga pangkat ng tatlong tao ay bibilangin at beberipikahin ang numero ng mga balota sa bawat batch na kasama ang mga report ng pagtatabula. Sa oras ng pagbeberipika ng bilang ng balota kasama ang opisyal na report, isang ‘reader’ ang tatawag ng mga boto at dalawang mga ‘rekorder’ ang magmamarka ng kanilang opisyal na tally sheet gamit ang mga marka ng pagtatala at mga laslas, gaya ng pinagsanayan. Ang mga superbisor ay nasa lugar upang beripikahin ang mga report at umalalay sa mga board at taga-obserba na may mga tanong tungkol sa proseso.
  • Isang opisyal na report ukol sa isang porsyento na manwal na pagtatala ang kasama sa sertipikasyon ng opisyal na pag-canvass.

 

Seguridad ng Kagamitan sa Pagboto

Ang seguridad ay nakapaloob sa bawat aspeto ng technology ng pagboto ng California.

  • Lahat ng kagamitan sa pagboto, ayon sa batas, ay kinakailangan na magkaroon ng mga saradong koneksyon, ang mga Central Count na makina ng pagtatabula sa opisina ng Tagapagrehistro ay hindi nakakabit sa kahit ano na maaaring ma-hack. Ang sistema ng pagboto ay hindi konektado sa Intenet o sa alinmang iba pang mga network.
  • Tanging ang sinuplay na pinagkakatiwalaang build ng Sekretaryo ng Estado (ang sertipikadong bersyon ng software at firmware) para sa anumang sistema ng pagboto ang dapat i-install. Pinapatunayan ng mga tauhan ng Tagapagrehistro ng mga Botante bago ang anumang eleksyon na ang sistema ng pagboto ay kaparehas sa sinuplay na pinagkakatiwalaang build ng Sekretaryo ng Estado.
  • Nagsasagawa ang Sekretaryo ng Estado ng mga pagsusuri at ebalwasyon ng source code, pagsusulit sa seguridad ng hardware at software penetration, pagsusulit ng operasyon upang patunayan ang pagsasagawa at paggana ng sistema sa ilalim ng normal at hindi normal na mga kondisyon, at marami pang iba upang alamin ang kahit anong mga kahinaan sa aming code. Kung mayroong makikita, ang vendor ng sistema ng pagboto ay kinakailangang resolbahin ang alinmang mga kahinaan bago i-install ang pinakabagong system build.
  • Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ng County ng San Diego ay sumusunod sa isang mahigpit na pisikal na seguridad, at ang chain of custody ng mga requirements para sa lahat ng voting technology software, firmware at hardware na nakakatugon o humigit pa sa pederal na gabay kasama na ang Justice Department, ang Cybersecurity and Infrastructure Security Agency at ang Election Assistance Commission.
  • Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ng County ng San Diego ay sumusunod sa mga tiyak na pamamaraan tungkol sa mga role-based permission, administrative at management controls, access controls, security procedures, at operating procedures.
  • Ang pagpapatupad ng mga tuntunin sa password tulad ng pinakamababang pagkakumplikado ng password, haba, lakas, multi-factor authentication at lock out policies para sa mga palpak na pagtatangka ay kinakailangan. Bilang karagdagan, ang opisina ng Tagapagrehistro ay sumusunod sa ating lokal na mga pulisiya at pamamaraan, tungkol sa mga pamantayan ng password tulad ng password expiration. Sa ilalim ng anumang pagkakataon ay hindi magagamit ng opisina ng Tagapagrehistro ang mga default na mga password upang ingatan ang technology sa pagboto.
  • Alinsunod sa California Elections Code sections 18564 at 18565, ang kahit na sinong tao na pakikialaman ang isang device ng pagboto, ang pagiging lihim ng balota, o ang software program source codes ng pagtatala ng balota, ay nagkasala ng peloni, na maaaring maparusahan ng pagkakulong.