Mga Katotohanan Para Sa Mga Botante
-
Sino ang maaaring magparehistro para makaboto?
Isang taong:
- Mamamayan ng Estados Unidos
- Residente ng California
- Hindi bababa sa edad na 18 taon sa o bago ang susunod na eleksyon
- Wala sa bilangguan ng estado o pederal para sa isang peloni kumbiksyon
- Hindi idineklarang walang kakayahan ang pag-iisip sa pamamagitan ng aksyon ng korte
-
Sino ang maaaring magpa-pre-register para makaboto?
Isang taong:
- Nasa edad na 16 o 17 taon
- Tumutugon sa lahat ng iba pang requirements para makaboto
Ang taong ito ay awtomatikong magiging nakarehistro para makaboto sa kanyang ika-18 kaarawan.
- Kailan ko kailangang muling magparehistro?
-
Kakalipat ko lang sa California, kailan ako maaaring bumoto?
- Una, kayo ay dapat na magparehistro para makaboto. o Walang panahon ng paghihintay para sa pagpaparehistro at pagboto sa California
- Kung kailangan ninyong magparehistro sa Araw ng Eleksyon
- 14 na araw bago ang Araw ng Eleksyon, maaari kayong magparehistro nang kondisyonal, at pagkatapos ay bumoto nang probisyonal sa opisina ng Tagapagrehistro
- Para sa higit pang impormasyon »
-
Ano ang conditional voter registration?
Kung kayo ay hindi nagparehistro para makaboto sa o bago ang 15-araw na deadline ng rehistrasyon, maaari pa rin kayong kondisyonal na magparehistro para makaboto at bumoto sa probisyonal na balota.
- Upang magawa ito, kayo ay dapat na bumisita sa opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante sa loob ng 14 na araw bago ang eleksyon o sa Araw ng Eleksyon o bisitahin ang alinmang vote center sa loob ng 10 araw bago ang eleksyon o sa Araw ng Eleksyon.
- Sa oras na maproseso ang inyong rehistrasyon para sa botante, at makumpirma naming kayo ay hindi bumoto saan man sa estado, ang inyong rehistrasyon ay magiging aktibo
- Pagkatapos ang probisyonal na balota na inyong inihulog ay maibibilang
- Para sa higit pang impormasyon sa conditional voter registration »
-
Dapat ba akong magparehistro sa isang espesipikong pampulitikang partido?
- Hindi. Maaari ninyong markahan ang kahong nagsasabing, “Hindi, hindi ko nais na isiwalat ang preperensyang pampulitikang partido.”
- Pagkatapos kayo ay marerehistro bilang “Walang Preperensyang Partido” o “WALA.”
- Mangyaring tandaan: Ang mga botanteng Walang Preperensyang Partido ay maaaring bumoto para sa sinumang kandidato sa isang pampanguluhang primaryang eleksyon maliban kung para sa pangulo, pangalawang pangulo ng Estados Unidos o para sa mga miyembro ng central committee ng county ng isang pampulitikang partido. Ang bawat pampulitikang partido ay magpapasya, bago ang isang eleksyon, kung ang mga botanteng Walang Preperensyang Partido ay maaaring bumoto para sa kanilang mga pampangulong kandidado
-
Saan ako boboto?
- Ang mga lugar ng botohan ay maaaring magbago kaya't mangyaring kumpirmahin ang lokasyon ng inyong botohan bago tumungo rito
- Kung kayo ay boboto sa mga botohan at hindi isang botante ng balotang pangkoreo, ang inyong kasalukuyang botohan ay naka-print sa likod ng Sampol na Balota at Pamplet ng Impormasyon para sa Botante
- Dagdag dito, simula tatlong linggo bago ang isang eleksyon, maaari ninyong mahanap ang inyong lugar ng botohan online
- o tawagan ang Tagapagrehistro ng mga Botante sa 858-565-5800
-
Bakit nabago ang aking lugar ng botohan?
- Ang pinakakaraniwang dahilan ay ang dating lugar ng botohan ay maaaring hindi na ngayon mapupuntahan
- Paminsan-minsan nakakahanap kami ng mas accessible na lugar ng botohan para sa mga botanteng may mga espesipikong pangangailangan
- Maaaring magkaroon ng mga pagbabago sa isang presinto para sa eleksyon o mga hangganan ng distrito
- Ang mga lugar ng botohan ay maaaring magbago depende sa uri ng eleksyon - pangkalahatan, primarya, o espesyal
- Ang bilang ng mga nakarehistrong botante ay maaaring magbago
-
Bakit ko kinakailangang bumoto sa koreo sa halip na pumunta sa botohan?
Kung mayroong 250 o mas kaunti pang mga nakarehistrong botante sa isang presinto, maaari kayong tumanggap ng isang balotang pangkoreo at isang paunawang hindi magkakaroon ng lugar ng botohan para sa inyong presinto sa darating na eleksyon.
Ang pagboto sa koreo ay simple at nagbibigay sa inyo ng higit pang mga opsyon para sa paghulog ng inyong balotang pangkoreo. Ang mga ito ay:
- Sa pamamagitan ng koreo bago ang Araw ng Eleksyon
- Sa alinman sa maraming drop-off location ng balotang pangkoreo sa buong county sa loob ng linggo bago ang Araw ng Eleksyon
- Sa opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante
- Sa anumang botohan sa Araw ng Eleksyon. Kontakin kami at makapagbibigay kami sa inyo ng mga adres ng mga botohang malapit sa inyo
- Nasaan ang opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante?
-
Saan ako maaaring kumuha ng higit pang impormasyon tungkol sa darating
na eleksyon?
Kapag papalapit na ang darating na eleksyon maaari ninyong mahanap ang mahalagang impormasyon dito »
-
Saan ko mahahanap ang mapa ng aking mga distrito?
Hanapin ang inyong mga distrito sa isang mapa dito >>
-
Bakit wala ng naaalis na stub sa itaas ng aking balota?
Itinigil na namin ang pagpriprint ng naaalis na stub sa itaas ng inyong opisyal na balota. Dati, ang “ballot stub” ay nagsilbing bilang dokumentasyon para sa indibidwal upang maipakita sa kanilang employer bilang ebidensya ng pagboto sa mga botohan sa oras ng trabaho. Para sa mga balotang natanggap sa koreo, ang ballot stub ay ginamit para masiguro na natanggap ninyo ang balota na may mga tamang karera, na nasa tamang wika, at naipakoreo na may tamang mga insert at sobre. Nagagawa na ito ngayon sa pamamagitan ng paggamit nitong instructional cover page. Samakatuwid, ang pangangailangan para sa isang ballot stub ay hindi na kinakailangan.