Mga Kinakailangang Lokasyon ng Vote Center
Kayo ba ay may pasilidad na maaaring magsilbi bilang isang vote center?
- Ang mga vote center ay naging iba-iba gaya ng mga simbahan, mga sentro ng komunidad, mga pribadong negosyo, at mga paaralan.
- Maaari ninyong ipagkaloob ang inyong pasilidad na hindi gagastusan ng mga nagbabayad ng buwis, o maaari kayong mabayaran ng $100 para sa paggamit ng inyong site
- Nagsusumikap kaming gumamit ng mga lugar na naa-access ng lahat ng tao, kabilang iyong mga may partikular na pangangailangan. Kung hindi kayo sigurado tungkol sa vote center- accessibility para sa inyong site, magpapadala kami ng team na magsu-survey para sa ebalwasyon.
- Mga mamamayan na gustong bumoto sa kanilang kapitbahayan. Kayo ay nagbibigay ng isang mahalagang serbisyo sa inyong mga kapitbahay sa pamamagitan ng paghahandog ng isang maginhawang lugar para bumoto.
- Ibibigay namin ang lahat ng staff, mga booth, kagamitan sa pagboto, at iba pang mga suplay na kailangan upang patakbuhin ang vote center.
- Maaaring interesado rin kayo sa pagiging isang manggagawa sa botohan.
Mayroon mga minimum na nirerequire. Kailangan namin ng:
- Isang kuwarto na mayroon sukat na 30-feet x 30-feet na sukat
- Access ang site mula ika-7:00 ng umaga hanggang
ika-6:00 ng gabi tatlong araw bago ang Araw ng Eleksyon. Sa ibang
pagkakataon, maaring kailanganin namin ng access sampung araw bago
ang Araw ng Eleksyon.
- Mga oras ng botohan ay mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon sa mga araw bago ang Araw ng Eleksyon.
- Access sa site mula ika-6:00 ng
umaga hanggang ika-9:30 ng gabi sa Araw ng Eleksyon.
- Mga oras ng botohan ay mula ika-7:00 ng umaga hanggang ika-8:00 ng gabi sa Araw ng Eleksyon.
- Access sa site bago at pagkatapos ng mga araw ng botohan para sa pag set-up at pagligpit ng manggagawa ng botohan
- Access sa mga banyo para sa manggagawa ng botohan.
- Access sa maraming mga saksakan ng kuryente para sa kagamitan sa pagboto.
- Angkop na panloob na ilaw upang ma-accommodate ang mga pangangailangan ng manggagawa at botante.
- Angkop na panlabas na ilaw upang ma-accommodate ang mga ligtas na paglalakbay papunta at mula sa vote center.
- Kung ang site ay nasa loob ng isang gated na lugar, ang mga gate ay dapat manatiling bukas sa mga oras ng pagboto.
- Bagama’t hindi kinakailangan, kung kaya ninyo, mangyaring magbigay ng mga mesa at upuan.
- Kakayahang mai-secure/ikandado ang silid kung saan naka-set up at nakaimbak ang mga kagamitan sa pagboto sa mga oras na walang-botohan.
Mayroong ilang mga restriksyon:
- Ang vote center ay maaaring hindi konektado sa anumang lugar na nag-aalok ng mga inuming may alcohol sa mga oras na bukas ang vote center.
- Habang isinasagawa ang pagboto sa apat o labing-isang araw, walang sinuman ang maaring gumawa ng anumang pangangampanya sa loob ng 100 talampakan mula sa vote center.
Maaari ninyong ialok ang inyong pasilidad bilang vote center sa pamamagitan ng pag fill out at pagsusumite ng aplikasyon » na ito.
Maaari rin kayong maging isang manggagawa ng botohan »
$100 kada araw ng pagboto na kabayaran para sa pagho-host
Tinatanggap din namin ang mga lokasyon ng vote center na nai-donate
nang walang bayad (in kind).
Mangyaring kontakin ang aming
opisina sa 858-505-7389 para sa higit pang impormasyon.