Tulong sa Wika
Nais ng Tagapagrehistro ng mga Botante ng County ng San Diego na ipaalam sa lahat ng botante, kabilang ang mga may limitadong kasanayan sa English. Kami ay nagbibigay ng pantay na access sa mga serbisyo at materyales. Alinsunod sa mga batas ng pederal at estado, kami ay nagbibigay ng mga tool at serbisyo na idinisenyo upang madagdagan ang access para sa mga botante na nagsasalita ng iba't ibang wika.
Ang Voting Rights Act, na pinagtibay noong 1965, ay nagre-require sa amin na magbigay ng tulong sa wika sa Spanish, Filipino, Vietnamese, at Chinese.
I-click dito upang humiling ng mga materyales sa Spanish, Filipino, Vietnamese and Chinese »
Ang California Elections Code ay nagre-require sa California Secretary of State na tukuyin ang mga presinto kung saan 3% o higit pa sa mga residenteng nasa tamang-edad-ng-pagboto ay mga miyembro ng minorya na may iisang-wika at walang sapat na kasanayan sa English para bumoto nang walang tulong. Batay sa pagpapasyang ito, nagbibigay din kami ng ilang partikular na materyales at serbisyo sa Arabic, Japanese, Korean at Laotian.
Upang pagsilbihan ang mga botante ng County ng San Diego na nagsasalita ng Arabic, Japanese, Korean at Laotian, nagbibigay kami ng mga reperensiyang balota, na tinatawag na mga facsimile ballot, sa mga wikang ito. Ang mga reperensiyang balota ay mga kopya ng opisyal na balota para sa mga piling presinto, na isinalin sa mga wikang ito.
Narito ang mga paraan na maaari ninyong tingnan o humiling ng reperensiyang balota:
- Upang humiling ng kopya ng isang reperensiyang balota sa pamamagitan ng koreo o email, maaari kayong makipag-ugnay sa amin sa (800) 696-0136 (toll free), (858) 565-5800 o rovmail@sdcounty.ca.gov.
- Magtanong sa isang manggagawa sa botohan sa isang vote center para sa isang reperensiyang balota (available lamang sa mga piling presinto). Kung kailangan ninyo ng tulong sa pagmamarka ng inyong balota, maaari kayong magsama ng isang tao sa botohan upang tulungan kayo.
- Maaari ninyong tingnan ang Patnubay para sa Impormasyon ng Botante ng California sa Japanese at Korean sa pamamagitan ng pagbisita sa sos.ca.gov.
Patakaran ng Board ng County ng San Diego A-139: Access sa Wika
Sa pagsisikap na punan ang puwang sa pagbibigay ng mga serbisyo
ng pamahalaan sa mga nagsasalita ng limitadong-English, itinatag ng
County ang patakaran na Access sa Wika bilang isang mahalagang
elemento sa tagumpay ng aming misyon na magbigay ng makabuluhang
access para sa komunidad na nagsasalita ng limitadong-English na mga
serbisyo, mga programa at aktibidad na inaalok ng County ng San Diego.
Upang pagsilbihan ang mga botante ng County ng San Diego na nagsasalita ng Somali at Persian, ang Tagapagrehistro ay nagbibigay ng mga reperensiyang balota, na tinatawag na mga facsimile ballot, sa mga wikang ito. Ang mga reperensiyang balota ay mga kopya ng opisyal na balota para sa mga piling presinto, na isinalin sa mga wikang ito.
Para sa karagdagang impormasyon o para humiling ng kopya ng isang reperensiyang balota sa pamamagitan ng koreo o email, maaari ninyo kaming tawagan sa (800) 696-0136 (toll free), (858) 565-5800 o rovmail@sdcounty.ca.gov.
Maaari rin kayong humiling ng reperensiyang balota sa isang manggagawa sa botohan sa isang vote center (available lamang sa mga piling presinto). Kung kailangan ninyo ng tulong sa pagmamarka ng inyong balota, maaari kayong magsama ng isang tao sa vote center upang tulungan kayo.