Accessible na Pagboto
Kayo ay may karapatang bumoto nang pribado at malaya. Mangyaring tumawag sa Tagapagrehistro ng mga Botante ng County ng San Diego sa (858) 565-5800 o toll free sa (800) 696-0136 kung kayo ay mayroong mga katanungan tungkol sa accessible na pagboto sa County ng San Diego.
Ang mga botante na hindi nakakarinig, nahihirapan makarinig, o may kapansanan-sa-pagsasalita ay maaaring gumamit ng California Relay Service (CRS) sa pamamagitan ng pag-dial sa 711 upang gamitin ang sistema ng telepono sa pamamagitan ng text telephone (TTY) o iba pang mga device para tawagan ang Linya ng Telepono ng Tagapagrehistro na Toll-Free. Sinusuportahan ng CRS ang mga sumusunod na paraan ng komunikasyon: TTY, VCO, 2LVCO, HCO, STS, VASTS, ASCII, o Voice.
American Sign Language Guide to Voter Registration (English Lamang)
Pagboto sa Koreo
- Ang pagboto sa pamamagitan ng koreo ay nagbibigay sa inyo ng pagkakataong bumoto nang maginhawa at pribado sa iyong sariling tahanan
- Ito ay SIMPLE. Ang inyong balota ay dadating sa inyong mailbox (o inbox – i-check ang Remote Accessible Vote by Mail sa ibaba)
- Ito ay MATALINO. Gumawa ng mga desisyon sa pagboto at kumpletuhin ang iyong balota nang komportable sa bahay
- Ito ay LIGTAS. I-seal ang iyong balota sa iyong sobreng may bayad-na-selyo, pagkatapos ay:
- Pirmahan ito » Petsa ito » at Ibalik kaagad » upang ito ay matanggap bago ang Araw ng Eleksyon.
- Matuto nang higit pa tunkol sa pagboto sa koreo »
Remote Accessible na Pagboto sa Koreo (Remote Accessible Vote by Mail/RAVBM)
- Kahit sinong botante ay maaaring humiling at makatanggap ng access sa Remote Accessible Vote by Mail na Sistema
- Ang sistemang ito ay karaniwang ginagamit ng mga botante na may kapansanan o naka-deploy sa ibang bansa na naglilingkod sa militar
- Ang sistemang ito ay nagpapahintulot sa botante na i-download ang balota sa personal na kompyuter at markahan ito ng pribado at nang malaya gamit ang kanilang sariling assistive technology
- Pagkatapos markahan ang kanilang balota, ang botante ay mayroong opsyon na i-review ang kanilang mga pagpipilian
- Pagkatapos i-review, ipi-print at ibabalik ng botante ang kanilang balota gamit ang template ng napi-print na envelope na kasama sa kanilang mga tagubilin sa RAVBM
- Tulad ng anumang balotang pangkoreo, ang mga balotang RAVBM ay dapat naka-seal sa loob ng sobre, napirmahan at ibinalik sa pamamagitan ng koreo o sa kahit saang Vote Center o Ballot Drop Box
- Remote Accessible Vote by Mail -Disability Rights California PSA
Interesado sa paggamit ng Remote Accessible Vote-by-Mail na Sistema? Mag-sign up dito
May Katanungan?? Tumawag sa (858) 565-5800, toll free sa (800) 696-0136 o Paano Bumoto Sa Koreo
Tulong sa mga Vote Center
- Isa o dalawang tao tulad ng isang miyembro ng pamilya, kaibigan o manggagawa sa botohan ang maaaring tumulong sa inyo sa inyong balota
- Ngunit, kayo ay hindi maaaring matulungan ng inyong amo o representante ng union.
- Maaaring maging kabilang sa pagtulong ang pagbabasa ng balota nang malakas o pagmamarka ng inyong balota ayon sa inyong pagdirekta
- Ang sinumang tumutulong sa inyo ay hindi maaaring magsabi kung paano mamarkahan ang inyong balota o magsabi sa iba kung paano kayo bumoto
- Ang mga manggagawa sa botohan ay mayroong isang magnifying sheet na maaaring magamit upang palakihin ang teksto sa mga materyales sa pagboto
Accessibility sa Lokasyon ng Vote Center at Ballot Drop Box
Pinipili ang mga lokasyon ng vote center at ballot drop box gamit ang mga guidelines ng Americans with Disability Act (ADA) at ng accessibility checklist ng Secretary of State. Ang checklist ay ginagamit upang hanapin ang mga lokasyon na accessible.
Kung kinakailangan, maaaring magbigay ang mga vote center ng mga threshold ramp para sa maikling pagtaas upang makapasok sa mga silid, mga cone upang matukoy ang mga panganib, at mga basahan upang matakpan ang mga panganib sa pagdulas. Hihilingin sa karamihan ng mga pasilidad na iwanang bukas ang mga pinto sa silid ng pagboto para sa accessibility. Magkakaroon ng mga karatula sa bawat vote center na nagpapakita ng numero ng telepono na maaari ninyong tawagan upang humiling ng pagboto sa curbside nang hindi pumapasok sa vote center.
Kung kayo ay may mga katanungan tungkol sa pisikal na access sa isang lokasyon ng vote center o ballot drop box, tawagan ang (858) 565-5800 o toll free sa (800) 696-0136 at magtanong para sa mga Serbisyo ng Presinto o mag-email sa rovmail@sdcounty.ca.gov.
Pagboto sa Curbside
- Ang sinumang hindi pisikal na maka-access sa isang vote center, maaaring humingi ng pagboto sa curbside
- Ang mga manggagawa sa botohan ay maaaring magdala ng isang ballot marking device sa inyo
- Maaari kayong umupo sa loob ng inyong sasakyan at bumoto, o maaari kayong bumoto sa pintuan ng gusali
- Tumawag sa (858) 565-5800 o toll free sa (800) 696-0136 bago pumunta sa inyong botohan upang gumawa ng mga kaayusan
- Dagdag pa rito, ang bawat vote center ay magkakaroon ng mga karatula na nagpapakita ng numero ng telepono na maaaring tawagan ng isang botante para humiling ng pagboto sa curbside nang hindi pumapasok sa vote center
Gusto pang Mas Maging Involve?
Maaari ninyong naisin ang maging bahagi ng Voter Accessibility Advisory Committee (VAAC) na nagpapayo sa Tagapagrehistro ng mga Botante sa accessibility at outreach.
Voter Accessibility Advisory Committee (VAAC) »
Kamusta ang inyong Karanasan sa Pagboto?
Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay nakatuon sa paggawa ng inyong karanasan sa pagboto bilang kumbinyente at kasiya-siya hangga’t maaari.
- Hinihiling namin sa mga botante na may pangangailangan sa accessibility na bigyan kami ng feedback sa kanilang karanasan sa isang vote center. Mangyaring i-download at ibalik ang aming survey tungkol sa inyong karanasan sa botohan
Pagpirma sa mga Dokumentong may Kaugnayan sa Eleksyon
Kung hindi ninyo mapirmahan ang inyong sariling pangalan at wala kayong ibang legal na marka, gumawa ng “X”, kung maaari, sa linya ng lagda. Dapat ay mayroon kayong ibang taong pipirma bilang saksi.
Maaari kayong gumamit ng aprubadong stamp ng pirma upang mapirmahan ang inyong mga dokumentong may kaugnayan sa eleksyon. I-click dito para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga stamp ng pirma at pagboto.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpirma ng mga materyales sa eleksyon o paggamit ng isang stamp ng pirma, mangyaring tumawag sa (858) 565-5800 o toll free sa (800) 696-0136 o Mag-email sa rovmail@sdcounty.ca.gov.
Higit pa
- Kailangan ng mga pagsasalin? I-click dito »
- Ang mga tao sa mga conservatorship ay may karapatang bumoto kung maipahayag nila ang pagnanais na gawin ito. Maaaring humiling ng reinstatement ang sinumang dating nadiskwalipika sa pamamagitan ng pagsulat ng liham sa korte. Para sa karagdagang impormasyon tingnan ang http://spectruminstitute.org/