Remote Accessible Vote-By-Mail (RAVBM)
Para sa inyo ba ang sistemang Remote Accessible Vote-by-Mail (RAVBM)?
Ang RAVBM ay maaaring magamit ng lahat ng mga botante, ngunit ang pangunahing layunin nito ay pahintulutan ang mga botanteng may kapansanan, na mas nanaising umasa sa iba na tulungan sila sa pagbabasa at pagmamarka ng kanilang balota na kung saan ngayon ay maaari na nilang markahan ang anilang balota nang pribado at nakapag-iisa gamit ang kanilang assistive technology sa tahanan. HINDI ibig sabihin nito na ito ay pagboto sa online o isang paraan para isumite ang inyong balota sa online.
sistemang RAVBM ay gumagana sa pamamagitan ng pagpapadala ng email na may link sa email address na ibinigay ng botante. Pagkatapos ay maaaring i-download ng botante ang balota, markahan ang kanilang mga seleksyon, i-print ang kanilang balota at ipadala ito sa opisina ng Tagapagrehistro upang mabilang. Hindi katulad ng naka-print na balotang pangkoreo na darating kasama ang inyong sobreng pagbabalikan, ang proseso sa paghulog ng inyong balotang RAVBM ay nangangailan ng paggamit ng isang printer at dapat ipakoreo, gamit ang inyong sariling sobre at ang template ng koreo na ibinigay kasama ang inyong mga instruksyon sa RAVBM, sa opisina ng Tagapagrehistro o nai-drop off sa kahit na anong opisyal na lokasyon ng ballot drop box.
Upang magpatuloy sa inyong kahilingan para sa isang RAVBM na balota, mangyaring ilagay ang impormasyong hinihiling sa baba.
Ilagay ang inyong impormasyon ng botante upang hanapin ang
(mga) aktibong balota para sa mga eleksyon na karapat-dapat ninyong
botohan.
Tandaan: Ang mga kahilingan sa balota ng RAVBM ay
maaari lamang gawin para sa mga aktibong balota.