Maging isang Manggagawa sa Botohan
Kailangan namin kayo!
Maging isang manggagawa sa botohan at maging bahagi ng demokrasya ng America na umaaksyon. Sa bawat eleksyon, kami ay nagre-recruit ng libo-libong manggagawa sa botohan. Bilang isang bago o bumabalik na manggagawa sa botohon kayo ay tatanggap ng pagsasanay at mga materyales upang masigurong kayo ay may kumpiyansa at handang tulungan ang mga botante sa Araw ng Eleksyon. Tingnan ang mga FAQ ng Manggagawa sa Botohan. (English Lamang)
Sino ba ang pwedeng maging isang manggagawa sa botohan?
Kayo ay dapat:
- Maging isang U.S. citizen at rehistradong upang makaboto sa California o isang legal na permanenteng residente ng United States
- Maging at least 18 taon ang edad
- Nakakasalita, nakakabasa, at nakakasulat sa English
- Kumpletuhin ang ini-require na dalawang-araw (magkasunod) na personal na pagsasanay
- Maging available hanggang sa loob ng 11 araw sa dalawang linggo papunta ng Araw ng Eleksyon
- Mayroong maaasahang transportasyon kada araw sa at mula sa inyong itinalagang vote center
Kailangan namin ng mga billinguwal na manggagawa sa botohan!
Tinatanggap ng County ng San Diego ang ating pagkakaiba-iba at nagbibigay ng tulong sa wika sa mga botante sa mga sumusunod na wika:
- Arabic
- Chinese
- Filipino
- Japanese
- Korean
- Laotian
- Persian
- Somali
- Spanish
- Vietnamese
Alamin ang tungkol sa mga espesyal na programa para sa manggagawa sa botohan:
- Programa ng Estudyanteng Manggagawa sa Botohan ng High School sa Ika-5 ng Nobyembre, 2024, malapit na ang Presidensyal na Pangkalahatang Eleksyon Aplikasyon » FAQ » (English Lamang)
Ano ang ginagawa ng mga manggagawa sa botohan?
- Kinukumpleto ang mandatoryong pagsasanay
- Tumutulong magset-up, magsara at maglinis ng vote center bago at sa Araw ng Eleksyon
- Maunawaan ang mga konsepto, mga proseso sa eleksyon at mga kagamitan upang tamang matulungan ang mga botante
- Makipag-usap nang maayos sa publiko, staff at sa namamahala
- Nagbibigay ng pinakamahusay na serbisyo sa iba’t ibang populasyon ng botante
- Magtrabaho bilang isang collective team na gagawa ng iba’t ibang tungkulin na itinalaga upang masiguro na ang lahat ng mga botante at mga bisita ay magkaroon ng magandang karanasan sa pagboto
- Hawakan at lutasin ang mga mahirap na sitwasyon sa isang positibong paraan gamit ang tamang paghuhusga at kawastuhan
Gaano ito katagal inaabot?
- Kinakailangan kumpletuhin ng mga Manggagawa sa Botohan ang dalawang araw na personal na pagsasanay
- Isang araw na pagset-up ng lokasyon ng botohan
- Hanggang sa labing isang araw na pagseserbisyo sa mga botante sa lokasyon ng botohan: walong-oras na araw ng Sabado, Linggo at Lunes bago ang Eleksyon, at ika-6 ng umaga hanggang ika-10 ng gabi sa Araw ng Eleksyon
- Bilang karagdagan, maaaring kailanganin ang isang araw na pagsasara ng vote center
Sa Araw ng Eleksyon, paano kung may nakalimutan ako sa natutunan ko sa pagsasanay?
- Ang inyong mga kapwa manggagawa sa botohan ay cross trained at maaaring magsilbi bilang mga resource
- Kayo ay pagkakalooban ng isang manwal ng manggagawa sa botohan na mayroong step-by-step na mga checklist na kung saan magagamit bilang reference at may mga outline ng mga tungkulin at proseso para sa mga senaryo sa Araw ng Eleksyon
- Maaari ninyong tawagan ang ating poll worker hotline– na tinauhan ng mga eksperto – bago at sa Araw ng Eleksyon
Saan nagtatrabaho ang mga manggagawa sa botohan?
Magkakaroon ng daan-daang mga vote center sa buong County ng San Diego. I-click ang pulang MAG-APLAY NGAYON na link sa itaas upang mag-aplay para makapaglingkod bilang isang manggagawa sa botohan.
Impormasyon ng Kontak ng Tagapagrehistro ng mga Botante:
- ROV Poll Worker Recruitment Department, 5600 Overland Ave., Suite 100, San Diego, CA 92123
- Fax 858-505-7299
- Email pollworker@sdcounty.ca.gov
- Telepono (858) 565-5800
Ang pagsumite ng aplikasyon ng manggagawa sa botohan ay hindi
naggagarantiya ng posisyon.
Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay may karapatan na baguhin
ang mga takdang-aralin kung kinakailangan.
Anu-anong mga kasanayan ang kailangan upang maging isang manggagawa ng botohan?
- Kakayahang manatiling walang-pamumulitika sa lahat ng oras
- Kakayahang magtrabaho nang mahusay sa loob ng magkakaibang team
- Kakahayang maintindihan ang mga importanteng detalye at pagsunod nang tama sa mga proseso
- Makapagbigay ng mahusay na serbisyo sa customer sa magkakaibang populasyon
- Kagustuhang sumunod sa mga instruksyon
- Magpakita ng kakayahang umangkop at may positibong pag-uugali
- May commitment at may kagustuhang tumulong
- Makipag-usap nang maayos sa publiko, staff at sa namamahala
- Kakayahang humawak at lutasin ang mahihirap na sitwasyon sa positibong paraan.
- Magpakita ng matalas na atensyon sa detalye