Proseso ng Petisyon

Petition Process

Pagpetisyon sa Inyong Gobyerno

Ang kalayaan sa petisyon ay ang karapatang hilingin sa inyong gobyerno na gumawa ng isang bagay o pigilin ang paggawa ng isang bagay. Ang kalayaan ng petisyon ay nagbibigay sa inyo ng karapatang sumulat sa inyong mga ibinotong representante at humiling sa kanila na magtrabaho para sa pagpasa ng mga batas na inyong pinapaboran, o maaaring ito ay kasing detalyado ng isang pambuong estadong petisyon na humihiling ng pagpasa ng mga bagong batas. Ang karapatan ng petisyon ay tumutulong din sa mga opisyal ng gobyerno na malaman kung ano ang iniisip ng mga mamamayan at kung anong mga aksyon ang gusto nilang gawin ng gobyerno.

Sa ilalim ng karapatan ng petisyon, ang mga indibidwal at grupo ng mga mamamayan ay maaaring humingi ng bagong batas (proseso ng inisyatiba) o maghangad na baligtarin ang isang batas (proseso ng referendum). Mayroong iba't ibang mga kinakailangan depende sa uri ng petisyon. Ang opisina ng Tagapagrehistro ay ang opisyal ng paghahain para sa buong county, distrito ng paaralan at mga espesyal na distritong petisyon. Ang Secretary ng Estado ay ang opisina ng paghahain para sa mga petisyon sa buong estado habang ang inyong lokal na klerk ng lungsod ay ang opisina ng paghahain para sa mga lokal na petisyon. Ang mga petisyon sa pagpapabalik ay may iba't ibang mga kinakailangan kaysa sa inisyatiba at mga petisyon sa referendum.

 

spacer
flag_header