Proseso ng Petisyon: Mga Madalas na Katanungan (FAQs)
-
Kapag ang isang petisyon ay naisumite sa opisina ng Tagapagrehistro ng
mga Botante para sa pagproseso, maaari bang makakuha ng update ang
proponent o sinumang indibidwal sa kung paano gumagana ang isang
partikular na petisyon?
Hindi. Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay hindi maaaring magbigay ng anumang impormasyon habang ang petisyon ay pinoproseso.
-
Ano ang kinukunsidera na bahagi ng isang petisyon?
Ang isang bahagi ng petisyon ay maaaring isang pahina o maraming pahina na magkakasamang secure na may isang deklarasyon ng tagapagpakalat.
-
Mayroon bang mga bagay na dapat kong ikonsidera kapag nagpapakalat ng
petisyon?
Oo. Narito ang ilang mga importanteng konsiderasyon para sa anumang pagkuha ng pirma:
- Kung ang botante ay hindi sigurado kung sila ba ay rehistrado sa kanilang kasalukuyang adres ng tirahan, hayaang lagyan ng check ng botante ang kanilang status ng rehistrasyon at kung kinakailangan, magparehistro muli sa pamamagitan ng pagkumpleto ng bagong porma ng rehistrasyon sa o bago ang petsa ng petisyon na kanilang pinirmahan. Madali lamang! Maaari nilang i-check ang status ng kanilang rehistrasyon at kung kinakailangan, magparehistro muli para makaboto online sa I-Check Ang Inyong Rehistrasyon.
- Ang mga porma ng rehistrasyon ay dapat maibigay kaagad. Ang opisina ng Tagapagrehistro ay ikinukumpara ang petsa ng pirma sa porma ng rehistrasyon (o petsa kung kailan natanggap ang porma ng rehistrasyon kung ang petsa ng pirma ay nawawala) sa petsa kung kailan pinirmahan ang petisyon.
- Ang deklarasyon na bahagi ng tagapagpakalat ay dapat na tamang punan ng tagapagpakalat na may kanilang pangalan, pirma, at pinaka-importante ay ang mga petsa ng pagpapakalat kung hindi, ang mga pirma sa bahaging iyon ay hindi mababalido.
-
Mayroon bang mga bagay na dapat iwasan kapag nagpapakalat ng petisyon?
Oo. Mayroon tatlong kritikal na pagkakamali na dapat maiwasan sa alinmang pirma na nakuha: 1) huwag punan ng kahit ano para sa pipirma, 2) huwag hayaan ang pipirma na pumirma ng higit sa isang petisyon, at 3) huwag i-tamper ang petisyon sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga staple, pagtanggal ng mga kopya, o sa pamamagitan ng paggamit ng whiteout para gumawa ng pagwawasto.
Kung ang pipirma ay kailangan ng tulong sa pagpupunan ng kanilang impormasyon sa isang petisyon dahil sa kapansanan, maaaring tulungan ng tagapagpakalat sa pamamagitan ng pagpunan sa impormasyon ng taga-pirma at hayaan ang taga-pirma na magbigay ng kanilang pirma. Kung ang pipirma ay hindi makapirma ng kanilang sariling pangalan at walang legal na marka, ang pipirma ay maaaring maglagay ng X sa ibabaw ng linya ng pirmahan. Ang tagapagpakalat ay dapat gumawa ng note sa tulong na kanyang ipinagkaloob malapit sa entry ng petisyon at pumirma bilang isang saksi
-
MaaarI ba na ang mga pirma ay ibigay sa ibang oras ng opisina ng
Tagapagrehistro ng mga Botante?
Hindi. Ang mga pirma ng petisyon ay dapat naisumite nang sabay-sabay. Maliban na lamang sa mga petisyon para sa pambuong-estado na recall.
-
Maaari bang kahit sino ang magsumite ng mga pirma ng petisyon sa opisina
ng Tagapagrrehistro ng mga Botante?
Hindi. Tanging mga proponent o isang taong awtorisado ng proponent ang pwedeng magpadala ng mga pirma ng petisyon.
-
Maaari bang bawiin ng taga-pirma ang kanilang pirma mula sa isang petisyon?
Oo. Ang taga-pirma ay maaaring humiling na bawiin ang kanilang pirma bago ang araw na mai-file and petisyon.
-
Maaari bang pirmahan ng taga-pirma ng petisyon ang petisyon nang higit
sa isa?
Hindi. Ang parehong pirma ay may malaking negatibong epekto sa petisyon dahil sa itinalagang weighted average (sa isang random sampling).
-
Maaari bang i-check ng proponent ng petisyon ang mga parehong pirma bago
isumite ang petisyon sa opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante.
Oo. Ang pag-ekis ng anumang pareho o inbalidong mga pirma ay makakatulong sa antas ng pagiging balido ng isang petisyon.
-
Inuuna ba ng opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante ang pagproseso ng
mga isinumiteng petisyon?
Hindi. Ang mga petisyon ay pinoproseso ng naaayon sa pagkakatanggap nito sa opisina ng Tagapagrehistro.
-
Anong nangyayari kapag nakumpleto na ng Tagapagagrehistro ng mga Botante
ang pagproseso ng isang petisyon?
The Registrar’s office will report the findings to the appropriate governing body or agency:
- Ang mga resulta para sa mga pambuong-estado na petisyon ay pumupunta sa Board ng mga Superbisor ng County.
- Ang mga resulta para sa mga petisyon ng lungsod ay ihaharap sa naaangkop na clerk ng lungsod.
- Ang mga resulta para sa mga petisyon ng distrito ay ihaharap sa naaangkop na ahensiya.
- Sa isang petisyon para sa pambuong-estado na iniisyatiba, referendum o recall, ipe-presenta ng opisina ng Tagapagrehistro ang mga resulta sa Sekretarya ng Estado ng California. Kapag nakuha na ang mga resulta, magpapasiya ang Sekretarya ng Estado kung ang petisyon ay may sapat na mga pirma sa buong estado.