Voter Accessibility Advisory Committee
Ang Voter Accessibility Advisory Committee (VAAC) ay nagpapayo at tumutulong sa Tagapagrehistro ng mga Botante (ROV) na gawing accessible sa lahat ng botante ang mga lugar ng botohan.
Layunin
- Tumulong at payuhan ang mga opisyal ng mga eleksyon ng County sa mga programa ng outreach at materyales tungkol sa accessibility.
- Payuhan ang mga opisyal ng mga eleksyon ng
County tungkol sa accessibility ng:
- Mga sistema ng rehistrasyon at pagboto
- Mga hadlang sa pagsali ng mga nakakatanda at mga taong may mga kapansanan
- Magrekomenda ng mga mapapakinabangang mekanismo upang malampasan ang mga hadlang
- Payuhan ang mga opisyal ng mga eleksyon ng County sa pag-survey ng accessibility ng lugar ng botohan bilang pagsunod sa mga kasalukuyang guideline
- Payuhan ang mga opisyal ng eleksyon ng County sa mga materyales sa pagsasanay ng manggagawa sa botohan na may kaugnayan sa accessibility
- Tumulong sa pag-recruit ng mga manggagawa sa botohan na magiging representante ng mga taong may mga kapansanan at mga nakakatandang botante
Pagiging Miyembro
Ang committee ay binubuo ng mga representanteng mula sa:
- Disability Rights California
- In Home Supportive Services (IHSS) Advisory Committee
- San Diego Center for the Blind
- San Diego County ADA Coordinator
- Tagapagrehistro ng mga Botante ng County ng San Diego
- State Council on Developmental Disabilities
2023 Iskedyul ng Miting
Ang mga petsa at oras ay maaring magbago.
Lokasyon:
Virtual na Miting
Oras:
ika-2 ng hapon – ika-3:30 ng hapon
Mga Petsa:
Lunes, Ika-23 ng Enero, 2023
Lunes, Ika-24 ng
Abril, 2023
Lunes, Ika-24 ng Hulyo, 2023 Lunes, Ika-23 ng Oktubre, 2023 | Virtual na Miting/Kumperensiyang Pagtawag Virtual na Miting /Kumperensiyang Pagtawag Virtual na Miting /Kumperensiyang Pagtawag Virtual na Miting /Kumperensiyang Pagtawag |
Mangyaring kontakin ang 858-505-7202 para sa mga katanungan o upang humiling ng call-in information.