Pagboto ng Militar/Nasa Ibang Bansa

Pagboto ng Militar/Nasa Ibang Bansa

Narito ang paraan ng pagboto kung kayo ay:

  • U.S. Navy, Army, Air Force, Marine Corps o Coast Guard
  • Merchant Marine
  • U.S. Public Health Service Commissioned Corps
  • National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) Commissioned Corps
  • Na-activate na status ng National Guard o militia ng estado
  • Mga karapat-dapat na asawa o dependent ng nasa itaas
  • Mga karapat-dapat na mamamayan ng Estados Unidos na naninirahan sa labas ng Estados Unidos o District of Columbia

Magparehistro para Makaboto at Mag-aplay para sa Balotang Pangkoreo

PARA sa Aktibong Militar at mga Dependent na Naninirahan sa Labas ng County ng San Diego o mga Sibilyang Naninirahan sa Ibang Bansa

  • Maaari kayong magparehistro para makaboto at mag-aplay para sa balotang pangkoreo dito »
  • Gamit ang Federal Post Card Application (FPCA) na may link sa itaas kayo ay makakakuha ng permanenteng status ng pagboto-sa-koreo
  • Ang permanenteng status ng pagboto-sa-koreo para sa staff ng gobyerno na nasa Ibang bansa ay tinatawag ding UOCAVA (Ingles Lamang), na nangangahulugang Uniformed and Overseas Citizens Absentee Voting Act
  • Upang masigurong natatanggap ninyo ang inyong mga materyales sa pagboto bago ang bawat eleksyon, mangyaring gamitin ang porma ng FPCA kapag papalitan ninyo ang inyong adres, inyong adres na pangkoreo, impormasyon ng kontak, o preperensya sa pagboto
  • Ang mga kopyang nasa papel ng FPCA ay makukuha sa embahada ng Estados Unidos at mga opisina ng konsul, at maaaring makuha ang mga ito ng personel ng militar mula sa kanilang Voting Assistance Officer
  • Siguraduhing napunan ang inyong adres sa ibang bansa at huwag kakalimutang pirmahan ang FPCA

Paano Ibabalik ang Inyong Balota ng Pagboto sa Koreo

  • Maaari ninyong i-fax o ipakoreo ang inyong minarkahang (binotohang) balota (Mangyaring tingnan ang ibaba para sa mga numero at adres)
  • AT nakumpletong porma ng Karaniwang Panata ng Botante, na matatanggap ninyo sa inyong pakete ng balotang pangkoreo
  • Hindi pinapahintulutan ng batas ng estado ng California na maipadala sa pamamagitan ng email ang mga binotohang balota
  • Para sa higit pang impormasyon sa pagboto sa koreo, click dito »

Resources

Mga Madalas na Itanong mula sa Federal Voting Assistance Program (Ingles Lamang) »

Mga toll free na numero ng fax at iba pang resources (Ingles Lamang) »

Para sa higit pang impormasyon: Federal Voting Assistance Program (Ingles Lamang) »

Secretary of State ng California (Ingles Lamang) »

Mga Madalas na Itanong para sa mga botante ng County ng San Diego »

 

rov-line

Impormasyon ng Kontak

Secretary of State Elections Division
1500 11th Street, 5th Floor, Sacramento, CA 95814

Lunes-Biyernes ika-8 ng umaga - ika-5 ng hapon PST

p: (800) 345-VOTE   |   (916) 657-2166
f: (916) 653-3214

 

Federal Voting Assistance Program Department of Defense
4800 Mark Center Drive, Suite 03J25-02, Alexandria, VA 22350-5000

Lunes-Biyernes 8:30 ng umaga - ika-5 ng hapon EST

p: (800) 438-VOTE (8683)   |   (703) 588-1584
DSN: 425-1584
w: fvap.gov

 

San Diego County Registrar of Voters
5600 Overland Avenue, Suite 100, San Diego, CA 92123

Lunes-Biyernes ika-8 ng umaga - ika-5 ng hapon PST

p: (800) 696-0136   |   (858) 565-5800
f: (858) 505-7294
e: ROVMail@sdcounty.ca.gov

 

flag_header