Impormasyon sa Eleksyon
Ika-8 ng Abril, 2025, Unang Superbisoryal na Distrito, Espesyal na Primaryang Eleksyon
Ang espesyal na primarying eleksyon na ito ay upang punan ang bakanteng puwesto sa Unang Superbisoryal na Distrito ng County para sa natitirang kasalukuyang termino na magtatapos sa Enero ng 2029.
Tanging ang mga botante lamang na naninirahan sa Unang Superbisoryal na Distrito ang siyang karapat-dapat na lumahok sa eleksyon. Hindi sigurado kung kayo ay nakatira sa Unang Superbisoryal na Distrito? Hanapin ang inyong Distrito.
Kung walang kandidatong makakatanggap ng mayoryang boto sa primaryang eleksyon, ang nangungunang dalawang makakakuha-ng-pinakamaraming-boto ay magpapatuloy sa espesyal na pangkalahatang eleksyon sa Ika-1 ng Hulyo, 2025.
Ang bawat aktibong rehistradong botante na naninirahan sa Unang Superbisoryal na Distrito ay makakatanggap ng isang balota sa koreo sa linggo ng Ika-10 ng Marso para sa espesyal na primaryang eleksyon na ito.
Narito ang inyong mga opsyon sa pagboto.
- Simula Sabado, Ika-29 ng Marso, pitong mga vote center ang magbubukas araw-araw mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon hanggang sa huling araw ng pagboto sa Martes, Ika-8 ng Abril, kung saan ang labintatlong mga vote center ang magbubukas mula ika-7 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi.
Ang Distrito 1 ay umaabot mula sa Pacific Ocean sa kanluran (west), hanggang sa kabundukan ng Otay at San Miguel sa silangan (east), at mula sa Barrio Logan sa hilaga (north) hanggang sa internasyonal na border ng U.S./Mexico sa timog (south). Kasama sa Unang Superbisoryal na Distrito ang mga lungsod ng Chula Vista, Imperial Beach, National City, at ilang komunidad sa loob ng Lungsod ng San Diego, tulad ng Barrio Logan, East Village, Golden Hill, at higit pa. Bukod pa rito, kasama sa Distrito 1 ang mga unincorporated na lugar ng Bonita, East Otay Mesa, Lincoln Acres, Sunnyside, at La Presa.
Hindi sigurado kung kayo ay nakatira sa Unang Superbisoryal na Distrito? Hanapin ang inyong Distrito.