Anong Aasahan sa isang Vote Center

Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ng County ng San Diego ay nakatuon upang tiyakin na magagamit ng lahat ng mga botante ang kanilang karapatan na bumoto sa isang ligtas, secure, at madaling paraan.

Maaari bumoto nang personal ang mga karapat-dapat na botante sa alinmang Vote Center sa County ng San Diego. Ang mga piling vote center ay magbubukas nang 11 araw at lahat ng mga lokasyon ng vote center ay magbubukas nang 4 na araw (1 araw para sa mga espesyal na eleksyon), kasama ang Araw ng Eleksyon.

Nag-aalok ang mga vote center ng buong-serbisyo para sa karanasan sa pagboto. Ang mga botante ay maaaring:

  • Bumoto nang personal o i-drop off ang isang nabotohang balotang pangkoreo (selyado sa loob ng sobreng pagbabalikan)
  • Bumoto nang personal gamit ang isang touchscreen na ballot marking device para markahan ang mga seleksyon at i-print ang inyong opisyal na balota.
    • Lahat ng mga ballot marking device ay ganap na accessible para pahintulatan ang mga botante na mayroong kapansanan na makaboto nang malaya at pribado
  • Dalhin ang opisyal na balota na inyong natanggap sa koreo, mag-check-in sa vote center, pirmahan ang elektronikong roster, at botohan ang inyong opisyal na balota nang hindi gumagamit ng sobreng pagbabalikan
  • Kung kayo ay nagkamali o nawala ang inyong balotang pangkoreo, maaari pa rin kayong bumoto nang personal sa paggamit ng isang ballot marking device sa alinmang vote center
  • Tumanggap ng tulong sa pagboto, kasama na ang tulong sa iba’t ibang wika
  • Magparehistro upang makaboto o i-update ang inyong rehistrasyon at bumoto sa parehong araw

Hindi na kailangan ng mga botante na maghintay hanggang sa Araw ng Eleksyon upang bumoto. Hinihikayat ng Tagapagrehistro ang mga botante na sulitin ang mga araw ng maagang pagboto.

Ballot Marking Device

Ballot Marking Device (BMD)

Lahat ng mga vote center ay magkakaroon ng ganap na pag-deploy ng mga BMD. Ang mga botanteng bibisita sa mga lokasyong ito para botohan ang kanilang balota nang personal ay mamarkahan ang kanilang balota sa paggamit ng BMD. Itong device na ito ay hindi nag-iimbak, nagtatabulate, o nagbibilang ng anumang mga boto.

Mayroon dahil kung bakit itong mga device ay tinawag na mga Ballot Marking Device. Ang botante ang nagmamarka ng kanilang mga seleksyon sa screen. Pagkatapos, sa ipinares na printer doon ipri-print ng botante ang kanilang opisyal na balota kasama ang kanilang mga seleksyon. Itong opisyal na balotang papel ay ang siyang ipinapasok sa look ng opisyal na ballot box para bilangin sa opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante. Matuto nang higit pa tungkol sa paano markahan ang inyong balota gamit ang Ballot Marking Device.

Ang mga BMD ay ganap na sumusunod sa Americans with Disabilities Act (ADA), at ang mga botante ay may abilidad na pumili ng naisaling balota sa isa sa apat na wikang sakop ng pederal ng County: Chinese, Filipino, Spanish at Vietnamese.

Ano ang aking pwedeng gawin? Maging Handa!

Markahan nang maaga ang inyong mga seleksyon sa inyong sampol na balota na makikita sa loob ng inyong Pamplet ng Impormasyon ng Botante nang sa ganun ay madali ninyong mamarkahan ang inyong opisyal na balota sa voting booth.

Pagdating sa isang voter center, kailangan punan ng mga botante ang isang porma ng pag check-in. Maaari ninyo rin itong gawin nang maaga. I-print ang porma sa online, punan ito at dalhin ito kapag kayo ay pumunta para bumoto.

Kahit na ang inyong pakete ng balotang pangkoreo ay nasuspende sa oras ng pag check-in sa vote center, lagi parin magandang kasanayan na dalhin ang inyong pakete ng balotang pangkoreo at isauli ito sa mga manggagawa ng botohan.

Paano naman ang opisyal na balota na aking natanggap sa koreo?

Ang mga botanteng mas nanaising bumoto nang personal sa pamamagitan ng pagmarka sa kanilang pre-printed na balota na may panulat ay maaaring gawin ito sa pamamagitan ng pagdadala ng opisyal na balota na kanilang natanggap sa koreo.

Una, ang mga botante ay dapat mag check-in sa isang vote center at pumirma sa ePollbook (tinatawag ding elektronikong roster ng mga botante). Pagkatapos mag check-in ng botante, ang barcode sa kanilang sobreng pagbabalikan ng balotang pangkoreo ay awtomatikong masususpende.

Ang botante ay bibigyan ng sikretong pantakip(secrecy sleeve) para ilagay ang kanilang balota sa loob. Hihilingin sa botante na i-slide ang kanilang balota sa taas na bahagi ng sikretong pantakip para nang sa ganun ang sequence number sa taas na bahagi ng balota ay madaling makita ng manggagawa sa botohan. Maitatago nito ang alinmang namarkahang mga kontest habang ang manggagawa sa botohan ay sinusunod ang mga hakbang para masiguro na ang balotang dinala ng botante ay siyang tamang uri ng balota ng botante.

Ang sequence number ay apat na digit na tumutukoy sa presinto ng botante at uri ng balota. Nirerepresenta nito ang natukoy na geographic boundary na tumutukoy kung anong kontest ang nasa balota para sa mga botante ng partikular na lugar.

Maaaring i-direkta ang botante sa isang istasyon ng botohan para markahan ang kanilang balota na may panulat o marker na ibinigay ng manggagawa sa botohan o kung namarkahan na ng botante ang kanilang balota bago pa man dumating sa vote center, sila ay ididirekta sa istasyon ng check-out upang ihulog ng manggagawa sa botohan ang kanilang balota sa ballot box. Ang sobre ay hindi na kinakailangan dahil ang botante ay nakapag-check-in na at nakapirma na sa ePollbook.

Matapos mailagay ang balota sa loob ng ballot box, wala nang paraan upang matukoy kung paano bumoto ang botante iyon. Ang kanilang balota ay lubos nang anonymous.

What you can expect

Ano pa ba ang maaari kong asahan?

Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay nagpatupad ng mga protocol para masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa sa botohan, mga botante, at mga taga-obserba sa ating opisina at sa mga vote center.

  • Ang hand sanitizer ay laging available sa pagpasok at paglabas ng pasilidad
  • Ang mga mask at glove ay available para sa lahat ng mga botante at mga bisita kapag hiniling
  • Regular na paglilinis/pagdidis-infect ng madalas na nahahawakang mga bagay at patungan

 

Matuto nang higit pa tungkol sa pagboto sa darating na eleksyon.

 

flag