Mga Instruksyon sa Paggamit ng Ballot Marking Device

Sa ibaba ay mga instruksyon para sa mga botante na gumagamit ng Ballot Marking Device (BMD) sa mga lokasyon ng pagboto sa Araw ng Eleksyon. Ang manggagawa sa botohan ay magiging available para i-assist kayo sa proseso. Mangyaring ipaalam sa mga manggagawa sa botohan ang inyong mga pangangailangan matapos makarating sa inyong lokasyon ng pagboto.

rov-line

1. Simulan ang Session ng Pagboto

Ipapasok ng manggagawa sa botohan ang kanilang manggagawa sa botohan na card upang I-ACTIVATE ang session para sa mga botanteng humiling na gamitin ang BMD. Ang manggagawa sa botohan ay AALISIN ang card kapag na-activate upang pahintulutan ang botante na gawin ang kanilang mga pagpili nang pribado. 

 

2. Pagpili ng Wika

Piliin ang WIKA na nais ninyo. Maaari ninyong palitan ang wika sa anumang oras habang nasa session ng pagmarka ng balota.

 

3. I-adjust ang Mga Setting

Maaari ninyong I-ADJUST ang laki ng text, contrast, audio at wika sa anumang oras habang nasa session ng pagmarka ng balota.

 

4. I-navigate ang Balota

Gamitin ang mga kontest na tab sa ITAAS ng screen o mga navigation button sa IBABA ng screen.

 

5. Gawin ang Inyong Pagpili

I-tap ang kahon na katabi ng inyong mga pinili para sa bawat kontest upang bumoto para sa pamimiliang iyon.

Upang bumoto para sa isang isinusulat-lamang na kandidato, i-tap ang “Isinusulat-lamang” na pagpipilian, pagkatapos i-type ang pangalan ng kandidato gamit ang pop-up na keyboard. I-tap ang “Tanggapin” na button kapag tapos na.

 

6. Suriin ang Inyong Mga Pinili

Pagkatapos kumpletuhin ang pagboto sa lahat ng mga labanan, (maaari ninyong iwanang blangko ang mga labanan), i-tap ang “Suriin” na button sa ibaba ng screen. 

Habang sinusuri, maaari kayong gumawa ng mga pagbabago sa anumang kontest sa pamamagitan ng pag-click sa kontest.

Gamitin ang mga Mag-scroll Pataas at Mag-scroll Pababa na arrow upang suriin ang anumang kontest na hindi pinapakita sa screen.

Kapag nakumpleto na, i-tap ang “I-print ang Balota” 

 

7. I-print ang Inyong Balota

I-tap ang “I-print ang inyong Balota” upang kumpirmahin na hindi niyo na hinihiling na gumawa ng mga pagbabago o i-tap ang “Suriin ang inyong mga pinili” upang bumalik sa nakaraang screen.

Ang isang babala na mensahe ay lalabas kung isa o mas maraming kontest ang naiwanang blangko o binotohan nang kulang.

Kapag nakumpleto na, i-tap ang “I-print ang Balota”.

 

8. Kunin ang Inyong Papel na Balota mula sa Printer

Kumpirmahin ang inyong mga pinili pagkatapos ilagay ang inyong nai-print na balota sa secrecy sleeve o sobreng ibinigay sa inyo ng manggagawa sa botohan.

Ibalik sa manggagawa sa botohan upang ilagay sa kahon ng balota. 

Kunin ang inyong “Bumoto Ako” na sticker at isuot nang may ipagmamalaki!

 

flag_header