Paano Humiling ng Balota ng Partido

(Para sa mga Nonpartisan na Rehistradong Botante LAMANG)

Para sa Presidensyal na Primaryang Eleksyon sa Ika-5 ng Marso, 2024, ang PARTIDONG AMERICAN INDEPENDENTPARTIDONG DEMOCRATIC at PARTIDONG LIBERTARIAN ay nagpapahintulot sa mga botante ng Nonpartisan (kilala rin bilang “walang preperensiyang partido” o “independent”) na makibahagi sa kanilang mga presidensyal na primaryang eleksyon.

Ang mga botanteng nakarehistro bilang Nonpartisan ay awtomatikong padadalhan ng NONPARTISAN na balotang pangkoreo MALIBAN kung humiling sila ng isa sa tatlong balota para sa pulitikal na partidong crossover. Ang pagpili ng balota mula sa isa sa tatlong partidong ay hindi magrerehistro sa inyo sa partidong iyon.

Para sa eleksyong ito, ang mga botanteng Nonpartisan ay maaaring humiling ng isa sa mga sumusunod na balota ng pulitikal na partido:

MGA OPSYON SA BALOTA NG PULITIKAL NA PARTIDO

BALOTA NG PARTIDONG AMERICAN INDEPENDENT


BUMOTO:
American Independent Party Presidensyal na mga Kandidato

BUMOTO:
Lahat ng iba pang mga Kandidato
 
 

BUMOTO:
Mga Panukala sa Balota

 

BALOTA NG PARTIDONG
DEMOCRATIC
(NP CROSSOVER)


BUMOTO:
Democratic Party Presidensyal na mga Kandidato

BUMOTO:
Lahat ng iba pang mga Kandidato maliban sa* Democratic Central Committee Candidates

BUMOTO:
Mga Panukala sa Balota

 

BALOTA NG
PARTIDONG
LIBERTARIAN


BUMOTO:
Libertarian Party Presidensyal na mga Kandidato

BUMOTO:
Lahat ng iba pang mga Kandidato
 
 

BUMOTO:
Mga Panukala sa Balota

 

*Tandaan: Ang Democratic Party ay pinapayagan ang mga botanteng Nonpartisan na bumoto sa kanilang presidensyal na kontest pero hindi ang kanilang kontest sa central comittee. Kung humiling kayo ng balotang Democratic, matatanggap niyo ang balota ng Democratic Party NP (Crossover). Isasama sa balotang ito ang presidensyal na kontest ngunit hindi ang kontest na may kaugnayan sa central committee.

 

Upang humiling at bumoto sa isa sa tatlong partidong crossover na mga balota na nakalista sa itaas maaari ninyong:

Hakbang 1: Kumpirmahin na kayo ay nakarehistro bilang isang botanteng NONPARTISAN at dahil dito ay karapat dapat kayong humiling ng balota para sa partidong crossover.

Hakbang 2: Matapos kumpirmahin ang inyong status ng rehistrasyon, bumalik sa pahinang ito at kumpletuhin ang inyong Porma sa Paghiling ng Balota Para sa Nonpartisan Crossover Party sa isa sa mga sumusunod na paraan:

Kung mas gusto ninyong bumoto nang personal, maaari ninyong bisitahin ang anumang vote center sa buong County upang humiling ng balota para sa Nonpartisan crossover party.

  • Ang piling mga vote center at ang opisina ng Tagapagrehistro ay bukas ng Sabado, Ika-24 ng Pebrero hanggang Lunes, Ika-4 ng Marso, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.
  • Ang lahat ng 200+ na mga vote center ay bukas ng Sabado, Ika-2 ng Marso hanggang Lunes, Ika-4 ng Marso, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.
  • Ang lahat ng mga vote center ay bukas muli sa huling araw ng pagboto Martes, ika-5 ng Marso, kung saan ang oras ng pagboto ay magbabago mula ika-7 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi.

Paano kung gusto ninyo humiling ng balota ng ibang partido?

Ang PARTIDONG GREEN, PARTIDONG PEACE AND FREEDOM, at PARTIDONG REPUBLICAN ay isinara ang kanilang presidensyal na primarya sa mga botanteng nonpartisan.

Ang mga partidong ito ay nagpapahintulot lamang sa mga nakarehistro sa kanilang mga partido na bumoto para sa kanilang mga kandidato sa pagkapangulo. Ang mga botanteng nonpartisan ay hindi makakapili ng isa sa mga balota ng partidong ito maliban kung sila ay muling magparehistro sa partidong iyon. Maaari ninyong gawin ito sa pamamagitan ng pagkumpleto ng bagong porma ng rehistrasyon ng botante.

Kumilos na ngayon! Ang paghihintay hanggang sa Araw ng Eleksyon ay halos makakasiguro na kayo ay maaabutan ng mahahabang pila.

 

 

flag_header