Paano Nagtatrabaho ang ROV: Saan napupunta ang aking rehistrasyon ng botante na impormasyon?
Kung kayo ay nagparehistro para makaboto sa County ng San Diego, ang inyong rehistrasyon ng botante na impormasyon, na kinabibilangan ng inyong pangalan, adres ng residensyal at pangkoreo, at preperensyang pampulitikang partido, ay inilalagay sa isang lokal na database ng rehistrasyon ng botante.
Sa database na ito, ang mga record ng rehistrasyon ng botante ay nauuri sa apat na kategorya:
Mga Aktibong Record
- Ang mga aktibong botante ay mga nakarehistrong botante at karapat-dapat na bumoto.
- Kasama sila sa mga listahan ng pagpapakoreo sa lahat ng mga materyales ng eleksyon para sa bawat eleksyon kung saan karapat-dapat na bumoto ang botante.
- Ang mga record na ito ay kasama sa Roster ng mga Botante na magagamit sa itinalagang lugar ng botohan sa Araw ng Eleksyon.
- Ang mga materyales ng eleksyon ay maaaring kabilangan ng sampol na balota at mga patnubay para sa impormasyon ng botante, mga opisyal na balotang pangkoreo, at mga kard ng notipikasyon para sa botante, bukod sa iba pa.
Mga Hindi Aktibong Record
- Sa ilalim ng batas ng estado, inilalagay ng aming opisina ang
mga botante sa status na hindi aktibo kapag:
- ang koreo ay bumabalik mula sa adres ng botante na nagpapahiwatig na maaaring lumipat ang botante sa labas ng California, o walang ipinahiwatig na dahilan kung bakit ito ibinalik;
- ipinapahiwatig ng postal data na ang botante ay maaaring lumipat sa labas ng California.
- Ang mga hindi aktibong botante ay pinapadalhan ng isang forwardable na kard ng kumpirmasyon.
- Ang mga hindi aktibong botante ay mga nakarehistrong botante at karapat-dapat na bumoto; ngunit, hindi sila nakakatanggap ng koreong may kaugnayan sa eleksyon.
- Ang mga botanteng ito ay hindi makikita sa mga turnout tally o signature-gathering na mga requirement at hindi bahagi ng mga listahan ng botante na nakukuha ng mga kampanya.
- Ang hindi aktibong listahan ng botante ay nagsisilbing isang safety net para sa mga taong maaaring lumipat at kung hindi man karapat-dapat bumoto.
- Ang mga hindi aktibong botante (na hindi lumipat) ay maaaring maibalik ang kanilang aktibong status bilang botante sa pamamagitan ng simpleng pagboto sa isang eleksyon, pagpirma sa isang petisyon o direktang pag-kontak sa aming opisina upang kumpirmahin ang kanilang adres.
- Sa ilalim ng ilang mga pangyayari, ang mga hindi aktibong botante ay maaaring maalis sa listahan ng rehistrasyon ng botante kung hindi nila kinumpirma o ina-update ang kanilang rehistrasyon, at kung hindi sila bumoto sa dalawang magkakasunod na pederal na eleksyon pagkatapos na sila ay ginawang hindi aktibo.
Pending na mga Record
- Karaniwan, ang mga pending na record ng botante ay isang resulta kapag hindi natanggap ng ROV ang lahat ng kinakailangang impormasyon upang irehistro ang botante. Maaaring kabilang dito ang isang balidong adres o pirma. Ang mga residenteng ito ay hindi opisyal na nakarehistro para makaboto.
- Sinusubukan naming i-kontak ang mga residente upang ipaalam sa kanila kung hindi nila naisama ang ilang inire-require na impormasyon ng rehistrasyon. Kapag tinugon nila ang tamang impormasyon, maaari naming ilipat ang kanilang pangalan sa listahan ng Aktibong Rekord at ipaalam sa kanila na opisyal na silang nakarehistro para makaboto.
- Ang pending na mga record ng botante ay hindi kasama sa anumang mga listahan ng pagpapakoreo sa mga materyales ng eleksyon at hindi kasama sa Roster ng Mga Botante sa lugar ng botohan.
Kinanselang Mga Record
- Ang kategoryang ito ay binubuo ng mga record ng botante kung saan ang impormasyon ng rehistrasyon ay hindi na balido.
- Kinansela ang mga record ng botante dahil natanggap namin ang opisyal na impormasyon na nagpapatunay na ang botante ay hindi na karapat-dapat na bumoto sa County ng San Diego.
- Ang kinanselang mga record ng botante ay hindi kasama sa anumang mga listahan ng pagpapakoreo sa mga materyales ng eleksyon at hindi kasama sa Roster ng Mga Botante.
Dagdagan ang kaalaman kung paano pinapanatiling up to date ng ROV ang mga record ng botante »