Pagboto? Mayroon kayong mga opsyon.
Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ng County ng San Diego ay nakatuon sa pagsiguro na ang lahat ng mga botante ay maaaring gamitin ang kanilang karapatang bumoto sa isang safe, secure, at accessible na paraan sa panahon ng 2021 Gubernatoryal na Recall na Eleksyon sa California. Ang mga hakbang sa pag-iingat ay inilatag upang iwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ang isang opsyong available sa inyo ay botohan ang inyong balotang pangkoreo nang maginhawa mula sa inyong tahanan. Pirmahan at lagyan ng petsa ang ibabalik na sobre. I-seal ang ibinotong balota sa loob at ibalik ito kaagad sa isang pinagkakatiwalaang source.
Panloob na Pagboto
Ngunit, kung kailangan ninyong bumoto nang in-person ang opsyong iyon ay available din. Hindi na ninyo kailangan maghintay hanggang sa Araw ng Eleksyon para bumoto. Hinihikayat kayo ng Tagapagrehistro na samantalahin ang maagang pagboto.
Maaari kayong bumoto ng maaga:
- Sa opisina ng Tagapagrehistro, Lunes hanggang Biyernes mula ika 8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.
- • Sa kahit na saan sa 221 lokasyon ng pagboto sa buong county o sa opisina ng Tagapagrehistro Sabado, Ika-11 ng Setyembre hanggang Lunes, Ika-13 ng Setyembre, ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.
Lahat ay muling magbubukas sa Araw ng Eleksyon, Ika-14 ng Setyembre, kapag ang oras ng botohan ay nagbago mula ika-7 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi. Kung kayo ay nagpasya na bumoto in-person, huwag magulat, maaaring mahaba ang linya.
Humanap ng in-person na lokasyon ng pagboto malapit sa inyo.
Ballot Marking Device (BMD)
Lahat ng 221 na lokasyon ng pagboto ay magkakaroon ng buong paglawak ng mga BMD. Ang mga botante na bumibisita sa mga lokasyon na ito para maghulog ng kanilang balota ng personal ay magmamarka ng kanilang balota gamit ang BMD. Ang kagamitang ito ay hindi nagtatago, nagta-tabulate o nagbibilang ng kahit na anong mga boto.
May dahilan kung bakit ang mga kagamitang ito ay tinatawag na mga Ballot Marking Device. Minamarkahan ng mga botante ang kanilang napili sa screen. Pagkatapos, sa nakapares na printer ang botante ay mag pi-print ng kanilang opisyal na balota kasama ang kanilang mga napili. Ang opisyal na balotang papel ang siyang dapat ipasok sa opisyal na ballot box na ita-tabulate sa Rehistro ng mga Botante.
Ang mga BMD ay ganap na sumusunod sa Americans with Disabilities Act (ADA), at ang mga botante ay may kakayahang pumili ng isang naisalin na balota sa isa sa mga apat na wikang sakop ng pederal sa County: Spanish, Filipino, Chinese at Vietnamese.
Maging Handa
Markahan ang inyong mga seleksyon sa inyong Pamplet ng Impormasyon ng Botante nang maaga para mabilis ninyong markahan ang inyong opisyal na balota sa voting booth.
Ang mga botante ay kailangan din punan ang isang porma – isang porma na pang check-in. Ito ay magagawa mo din ng maaga. I-print out ang online na porma, punan ito at dalhin ito kapag kayo ay boboto.
Ano ang maaari ninyong asahan
Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay sumusunod sa mga public health order ng County at naglagay ng mga protocol upang siguraduhin ang kalusugan at kaligtasan ng lahat ng mga manggagawa ng eleksyon, mga botante, at mga taga-obserba sa aming opisina, mga lugar ng botohan, at mga lokasyon ng mail ballot drop-off.
- Ang lahat ng mga hindi bakunadong botante, mga taga-obserba at mga manggagawa ng eleksyon ay kinakailangang magsuot ng mga pantakip sa mukha. Ang mga accommodation sa labas ng gusali ay gagawing available para sa mga botanteng hindi makakasuot ng isa
- Ang lahat ng mga bakunadong botante, mga taga-obserba at mga manggagawa ng eleksyon ay kinakailangang magsuot ng mga pantakip sa mukha. Ang mga accommodation sa pagboto ay gagawing available para sa mga botanteng hindi makakasuot ng isa
- Ang hand sanitizer ay agarang available rin kapag pumapasok at lumalabas ng pasilidad
- Ang mga mask at gloves ay available para sa lahat ng mga bisita
- Ang mga plexiglass barrier ay ginagamit sa opisina ng Tagapagrehistro at lahat ng mga lokasyon ng botohan
- Kontroladong landas sa paglalakbay kapag papasok at lalabas
- Regular na paglilinis/ pagdidisimpekta ng mga madalas na hinahawakan na mga bagay at mga ibabaw
Mangyaring maabisuhan na ang ilang mga lokasyon na ginagamit ng Rehistro ng mga Botante para sa in-person na pagboto at drop off ng balotang pangkoreo ay maaaring magkaroon ng pangangailangan sa pantakip sa mukha.
Hinihiling namin sa mga botante at taga-obserba na sumunod sa mga pangangailangan na ito kung naitalaga. Ang mga accommodation sa labas ng gusali ay gagawing available para sa mga botanteng hindi makakasuot ng pantakip sa mukha.
Ano ang maaari ninyong gawin
Magsuot ng pantakip sa mukha, panatilihin ang kumportableng distansya, iwasan ang pagtitipon ng mga grupo, sundin ang lahat ng mga senyales at direksyon mula sa mga manggagawa ng eleksyon, at ugaliing magpasensya.
Dagdagan ang kaalaman tungkol sa CA Gubernatoryal na Recall na Eleksyon.