Pagboto sa isang Presidensyal na Primarya
Ang presidensyal na primaryang eleksyon ng California ay gaganapin sa Ika-5 ng Marso, 2024. Ang mga pampulitikang partido ang magpapasya kung sino ang maaaring bumoto para sa kanilang mga kandidato sa primaryang pagkapangulo.
Sa primaryang eleksyon sa Ika-5 ng Marso, ang mga botante ay boboto ng isang kandidato sa pangulo mula sa bawat partido upang tumakbo laban sa isa't isa sa pangkalahatang eleksyon sa ika-5 ng Nobyembre, 2024.
Maaaring kailanganin ninyong gawin ang ilang mga hakbang upang bumoto para sa presidensyal na kandidato na nais ninyo sa primaryang eleksyon.
MGA BOTANTENG NAKAREHISTRO SA ISANG PAMPULITIKANG PARTIDO
Kung kayo ay nakarehistro sa isa sa anim na pampulitikang partido sa California, ang inyong balota ay maglalaman lamang ng mga kandidato sa pangulo ng partidong iyon.
- American Independent Party
- Democratic Party
- Green Party
- Libertarian Party
- Peace and Freedom Party
- Republican Party
Maaari lamang kayong bumoto para sa mga kandidato sa pagkapangulo ng partidong iyon.
Kung ang inyong rehistrasyon sa partido ay naiiba sa partido ng kandidatong pangunahing pangulo na nais mong iboto, kailangan mong magparehistro upang bumoto sa partidong iyon.
Kung nais ninyong baguhin ang inyong rehistrasyon sa partido, dapat ninyo gawin ito bago mag Ika-20 ng Pebrero, 2024.
MGA BOTANTENG NAKAREHISTRO BILANG NONPARTISAN
(kilala rin bilang “walang partido”, “independent” o “walang preperensiyang partido”)
Kung kayo ay nakarehistro bilang nonpartisan o walang partido, awtomatikong makakatanggap kayo ng balotang Nonpartisan para sa Presidensyal na Primaryang Eleksyon sa ika-5 ng Marso, 2024. Ang inyong balota ay hindi maglilista ng kontest at mga kandidato sa primaryang pagkapangulo. Mayroong halos 490,000 mga botante sa County ng San Diego na nakarehistro bilang nonpartisan o walang partido.
Mga pampulitikang partido na NAGPAPAHINTULOT sa mga botanteng walang partido na mag-crossover:
Ang American Independent Party, Democratic Party, at Libertarian Party ay nagpapahintulot sa mga botanteng nonpartisan o walang partido na lumahok sa kanilang presidensyal na primaryang eleksyon.
Ang mga botanteng nonpartisan o walang partido ay maaaring humiling ng isa sa mga balotang pampulitikang partido na ito at bumoto para sa kandidato ng presidensyal na primarya ng partidong iyon. Ang pagpili ng isang balota mula sa isa sa tatlong mga partido na ito ay hindi magpaparehistro sa inyo sa naturang partido – kayo ay mananatili bilang isang nonpartisan na botante.
Ang Democratic Party ay nagpapahintulot sa mga Nonpartisan o walang partidong botante na bumoto sa kanilang kontest sa pagkapangulo ngunit hindi sa kanilang kontest para sa Central Committee. Kung hinihiling ninyo ang balota ng Democratic Party, makakatanggap kayo ng balotang NP (nonpartisan) Democratic na balota. Ang balotang ito ay maglalaman ng kontest sa pagkapangulo ngunit hindi ang kontest kaugnay sa Central Committee.
Matuto kung paano humiling ng isa sa mga balotang pampulitikang partido na ito.
Mga pampulitikang partido na HINDI NAGPAPAHINTULOT sa mga botanteng walang partido na mag crossover:
Isinara ng Green Party, Peace and Freedom Party, at ang Republican Party ang kanilang presidensyal na primarya sa mga botanteng nonpartisan o walang partido.
Ang mga partidong ito ay nagbibigay pahintulot lamang sa mga nakarehistro sa kanilang mga partido na bumoto para sa kanilang mga kandidato sa pagkapangulo. Ang mga botanteng walang partido ay hindi maaaring pumili ng isa sa mga balotang pampulitikang partido na ito maliban kungg sila ay magparehistro muli sa partidong iyon.
Kung nais ninyong baguhin ang inyong rehistrasyon sa partido, gawin ito bago sumapit ang Ika-20 ng Pebrero, 2024